CHAPTER 15: The Call

30 7 5
                                    

"Nakakabagot na dito, Ate." 

Kanina pa ako gumugulong-gulong sa kama ko. Nandito rin si Ate sa kwarto ko dahil ang payo sa'min ay dapat magkasama kami.

Halos buong araw na kaming naririto sa loob ng kwarto. Nalibot ko na ang mga mata ko sa lahat ng mga bagay na nakikita ko. Kanina pa ako tumatalon-talon sa kama at kahit kapangyarihan ni Ate Ciana ay ginawa na naming pang-aliw. 

"We need to stay here to ensure our safety, Nashy." Sabi ni Ate habang pinaglalaruan ang water balls sa palad niya.

Umirap naman ako at bumangon. "Kung lumabas kaya tayo?" Suhestiyon ko.

Napalingon naman sa akin si Ate at sinamaan ako ng tingin. "Don't." 

Sumimangot naman ako. "Kanina ba ako nababagot dito, Ate. Dito lang tayo sa loob ng palasyo, hindi naman tayo lalabas, eh." Kinumbinsi ko pa siya lalo para sumang-ayon s'ya sa'kin. Pero sadyang matigas si Ate at tumutol pa.

"No, Nashy. We'll stay here until it's safe." Tinalikuran niya ako habang nakahiga sa kama ko. 

Napabagsak nalang akong muli sa kama habang nakatitig sa kisame. Gusto kong lumabas, kaso ang bilin ni Mommy at Daddy ay manatili rito sa loob hanggang sa pwede ng lumabas.

"Ate Cia," tawag ko kay Ate.

"What?" Narinig kong tanong niya habang nakatalikod sa'kin.

"Labas tayo."

"No."

Ngumuso ako. "Ate Cia," tawag kong muli sa kanya.

"What?" Naiirita niyang tanong.

"Labas tayo." Sabi kong muli.

"I said no."

"Ate Cia,"

Bumangon na s'ya sa pangatlong tawag ko sa kanya. "Nashy!" Sigaw n'ya habang masamang nakatitig sa'kin.

"Labas tayo." Itinaas-baba ko pa ang kilay ko habang tinitignan s'ya.

Hinilamos n'ya pa ang palad n'ya sa mukha n'ya bago bumaba ng kama ng padabog.

"Fine! But if anything happens, I'll blame you." Sumama na ang timpla ng mukha niya.

Ako naman ay nasisiyahang bumaba sa kama. Sa wakas, madadala ko rin pala si Ate sa pang-iinis.

Nauna akong naglakad sa pintuan dahil parang nag-aalangan pa siya kung sasamahan niya ba ako.

Binuksan ko 'yun ng marahan at sumilip sa labas. Tinignan ko ang kaliwa at kanang parte ng pasilyo. Nang masiguro kong walang nakabantay roon ay dahan-dahan akong lumabas at sinenyasan si Ate Ciana na lumabas na rin. Umirap nalang siya at dahan-dahang sumama sa akin.

"I swear, this is not a good idea." Bulong ni Ate sa akin habang pababa kami papuntang punong bulwagan.

"Tahimik ka lang, Ate. Hindi tayo mahuhuli kapag walang mag-iingay." Bulong ko pabalik sa kanya. 

Dahan-dahan kaming bumaba sa hagdanan at nagtago sa may pader dahil may nakamatiyag na mga guwardiya. 

"Ano bang gagawin natin dito?" Tanong ni Ate Ciana.

"Wala, kukuha lang tayo ng pagkain." Kanina pa ako nagugutom at hindi pa dumadaan ang mga maids sa kwarto namin para hatiran kami ng pagkain.

"Let's do this fast," hinawakan ni Ate Ciana ang pulsuhan ko at hinila ako sa likod ng pader. Nanlaki naman ang mga mata ko nang dumaan kami sa likuran ng mga kawal. 

A World Called Majestia: Prophesied PrincessWhere stories live. Discover now