Simula

776 27 2
                                    

Mommy: Go home after your class

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mommy:
Go home after your class. Wag nang pupunta kung saan.

Tiningnan ko lang ang message na iyon ni mommy sa akin. Sanay na akong magbasa ng ganun, lagi naman kasing ganun ang message nila sa akin. Lumaki ako na laging sinusunod ang gusto nila mommy dahil ayoko na magtampo at magalit sila sa akin.

Nagtipa ako para makapag-reply kay mommy. Tapos na ang klase ko at hinihintay ko na lang si Aria. Sabi niya kasi na sabay raw kaming uuwi ngayon. Hindi din naman ako nagdala ng sasakyan ngayon, hindi din kasi ako papayagan kung ako lang mag-isa. Kung dadalhin ko man ang sasakyan ko dapat ay may kasama akong driver. Hindi kasi ako pinapayagan ni mommy kapag ganun.

“Bilis na girl.” Napatingin ako sa mga babaeng dumadaan. They look excited to something. Nagmamadali din silang maglakad papuntang gym.

“Tara na, baka mamaya hindi natin sila maabotan. Pagtapos na daw ang practice.”

“Wait, ito na nga.”

Sinundan ko sila ng tingin at nakitang tumakbo pa nga ang iba. Sino kayang titingnan nila doon? Tiningnan ko ang cellphone ko para icheck kung nagtext na ba si Aria pero wala pa akong natanggap. Hindi pa ata tapos ang klase niya. Because of curiosity, I decided to go to the gym. Marami ang tao at halos nga babae ang makikita mo sa loob. I saw a group of boys playing basketball, pamilyar sila dahil lagi ko din silang nakikita dito sa school.

“Excuse me, nakaharang ka.” Tumingin ako sa babaeng nakataas ang kilay sa akin ngayon. Nasa may pintoan pa pala ako ng gym, hindi ko kasi alam kung saan ako pupuwesto. Since, wala naman akong kakilala dito. Hindi ko din kasi gusto ang makipagentertain sa ibang tao, mas gusto ko lang na ako lang mag-isa.

“Sorry,” sabi ko. Umirap siya sa akin at agad na pumasok sa loob. Tumabi na lang ako at yumuko na lang. Hindi ko talaga gusto ang pakikipag-away, hindi naman iyon mabuting gawain at hindi din kasi ako sanay sa mga ganun.

“Yosef! Ano ba!” Napatingin ako sa mga naglalaro nang makarinig ng sigaw. Naagaw ata ang bola kaya sumigaw iyong lalaki doon sa Yosef.

“Miss ano ba hindi namin makita. Pwede umupo ka,” iritadong sabi ng babaeng nasa likod ko. Tumingin ako sa kaniya at nakitang masama ang tingin nila sa akin.

“Wala na kasing bakanteng upoan,” mahinang sabi ko.

“Tss. Edi diyan ka sa sahig maupo. Bobo ka ba?” iritado pa ding sabi ng babae. Pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko sa kahihiyan. Bakit pa kasi ako pumunta dito?

“Break muna,” rinig kong sabi ng coach pero hindi ko na nagawang lumingon sa kanila dahil bigla na lang akong tinulak nung babae, hinintay ko na lang na bumagsak ako sa sahig pero hindi nangyari iyon. Tiningnan ko ang sumalo sa akin at nakita ‘yung isa sa mga lalaking naglaro kanina.

“Are you okay?” Tanong niya. Tumango lang ako sa at umayos ng tayo. Nakita ko ang malamig na tingin niya sa mga babae na nasa likoran ko kanina.

“Yosef…” sabi nung babaeng tumulak sa akin. Yumuko ito at nagmamakaawa kay Yosef ngayon.

“Say sorry to her,” malamig na sabi ng lalaki. Tumingin ako sa kaniya at nakitang masama pa din ang tingin sa babae.

“It’s o-okay. Wag na,” sabi ko sa lalaki. Nawala ang iritasiyon sa kaniyang mukha nang lumingon sa akin.

“Okay na daw Yosef. Hindi naman na kailangan na magsorry ako,” sabi nung babae at umirap sa akin. Lumingon sa kaniya si Yosef at nakita kong sumama ulit ang kaniyang tingin doon.

“Shut up. Just apologize to her,” ani Yosef. Walang nagawa ang babae kun’di ang magsorry sa akin. Sinabi kong okay lang sa akin iyon. Hindi tuloy natapos ang practice nila at nauna na din ang iba. Nakita kong inirapan pa ako ng ibang babae. Hindi ko na lang iyon pinansin.

“What’s your name?” Lumingon ako sa kaniya nang tanongin niya ako.

“Sienna,” saad ko. He nodded at me. Magsasalita pa sana siya kaso ay nakarinig ako nang may tumawag sa akin.

“Sienna!” Nakita ko si Aria na mukhang nag-aalala sa akin. Lumapit agad siya at agad akong hinila palabas ng room. Hindi tuloy ako nakapag-paalam kay Yosef. Baka sabihin niyang bastos ako.

“Kanina pa kita tinetext ah. Anong ginagawa mo doon?” Tanong niya sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang nasilent ko pala iyon. Nakita ko din ang ilang text ni mommy at ilan pa niyang missed calls.

Mommy:
Where are you? Hindi ka pa ba uuwi?

Sienna! Why aren’t you answering my calls?! Where are you?

Napapikit ako nang mabasa iyon. For sure, galit na galit na siya ngayon. Ayaw pa naman ni mom na matagalan ako sa pagrereply. Baka kung anong isipin niya sa akin ngayon. Nagtipa na ako para makapag-reply kay mommy. Sigurado akong papagalitan ako paguwi nito.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon