Kabanata 27

445 15 8
                                    

Hindi ko alam na wala pala siyang girlfriend! Kasi naman, akala ko iyong kasama niyang babae ay girlfriend niya. Hindi ko alam na hindi pala. Bakit kasi sila magkasama nun? Napagkamalan ko tuloy na may bago siyang girlfriend.

Matapos naming mag-usap ay hindi ko na muna siya pinansin. Hiyang-hiya pa din ako sa mga sinabi ko tungkol doon sa may girlfriend siya. Halos hindi nga ako nakatulog nun. Ako lang din mag-isa sa kwarto. Tabi kasi si Yaakov at Yosef. Gusto ko pa namang makatabi ang anak ko pero gusto niya sa daddy niya. Nahihiya naman akong magsabi kay Yosef tungkol doon.

“Why are you avoiding me Sien?” Napatingin ako sa lalaki na nasa harap ko na pala ngayon.

“Bakit mo naman tinatanong? Iyon naman ang gusto mo diba?” Tanong ko din sa kaniya.

Alam ko naman na galit siya kaya nga umiiwas na lang din ako dahil ayaw kong mas lalo pa siyang magalit sa akin. Naiiyak na tuloy ako ngayon. Nakakinis naman, bak makita ako ng anak namin na ganito.

“What are you saying Sienna?” Takang tanong niya sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil baka makita niya ang pagbabadya ng luha sa mga mata ko.

“Alam kong galit ka pa pero miss ko na si Yaakov. Sana makatabi ko siya sa pagtulog mamaya.” Naiiyak nang sabi ko sa kaniya.

Umawang ang kaniyang labi sa sinabi ko at parang hindi alam ang sasabihin.

“Sienna! Of course you can sleep with him. He’s our son! Bakit ngayon mo lang sinabi?” Tanong niya sa akin.

“Kasi nga..g-galit ka,” hindi ko na napigilan ang luha ko at umiyak na nga.

“Fuck..” he uttered. “Look Sienna, I’m not mad. Okay? We’re okay now, please don’t cry,” aniya at hinawakan ang kamay ko.

Suminghot pa ako at tumingin sa lalaki na nakatingin na din sa akin ngayon.

“I’m sorry…” sabi ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

“It’s okay baby, we’re okay now,” aniya at hinalikan ako sa noo.

“Ha!? Porn!” Napatingin agad kami sa biglang nagsalita at nakita sila Caelus. Kumunot ang noo ni Yosef pero hindi naman siya umalis sa tabi ko.

“What the fuck are you doing here?” Gulat niyang sabi.

Napangiti ako nang makita ang pinsan ko ay sila Chelsie, kasama ang mga bata. Matutuwa si Yaakov nito dahil nandito ang mga pinsan niya.

“Ang harsh naman ng tanong,” ani Troy.

“Where’s Yaakov?” Tanong ni Chelsie sa akin.

“Nasa kwarto,” sabi ko.

“Omg! Exited na ako makita si little Yosef!” ani Naih.

Tuwang-tuwa sila Naih dahil gusto na ding makita ng mga bata ang anak ko. Hindi naman lumayo sa tabi ko si Yosef at nainis sa pinsang mga lalaki.

“He..Hello?” Napatingin ako kay Yaakov na lumabas ng kwarto at agad na napatingin sa mga kasama namin.

“Oh my! He looks like Yosef!” Tili ni Naih.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon