Kabanata 19

291 10 6
                                    

“Conley, Sienna Dawn.”

Nagpalakpakan ang lahat nang tawagin na ako. Sa wakas, graduate na din ako! Nakita ko si Yosef na may hawak pang camera habang nakasuot din ng graduation gown.

Nang matanggap ng diploma ko ay agad akong sinalubong ni Yosef ng yakap. Nakita ko din si mommy at daddy, niyakap ko din sila.

Nauna sila Yosef kanina at nanood din ako habang naghihintay. Masayang-masaya ako dahil sabay kaming dalawa sa lahat. Hanggang ngayon ay magkasama pa din kami.

“Picture kayo!” ani mommy at kinuha ang kaniyang cellphone. Pumwesto na kaming dalawa ni Yosef at tumingin sa camera.

“Happy 4th anniversary love,” rinig kong sabi niya.

Nang matapos kaming magpicture ay kami naman nila mommy ang pinicturan. Hinahanap ko pa sila Aria para mapicturan din kami. Nagbigay din kami ng gift para sa isa’t-isa.

“Happy anniversary love,” sabi ko sa boyfriend. Hindi pa din ako makapaniwala na umabot na kami ng apat na taon! Parang kelan lang.

Magkakaroon ng celebration sa mansiyon ng mga Salazar. I invited Aria but she refused. Naiintindihan ko naman iyon, si Naih at Venn ay ganun din kaya kami na lang ni Chelsie ang pupunta. Nakakalungkot lang na hindi na kami kagaya nung dati pero naiintindihan ko naman sila.

Napatingin ako sa paligid at napangiti nang makitang nagiiyakan ang iba. Apat na taon kami dito at sobrang saya dahil nakatapos na din kami. Ngayon ay magkakahiwalay na ang iba dahil may kaniya-kaniya na kaming tatahakin at hindi naman lahat ay pare-parehas ng gustong trabaho.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagpost sa Facebook ng picture namin ni Yosef at sunod ay ‘yung picture ko kasama sila Aria at sila mommy.

Sa picture namin ni Yosef ay nilagyan ko ng caption na “48 months with you. Graduate together.”

Trisha Joseco
Omg! Happy anniversary po! Sanaol.😭❤️

Mia Bernadette
Sa relasiyon na lang talaga ako ng iba kikiligin huhu. Btw, stay strong po!❤️

Erika Miralles
Cutieee.

Faye Evangelista
Ay te sanaol naman 😭

Niña Magnaye
Cute huhu, love uuu

Michelle Raquiño
Hi te, akin na lang jowa mo. Chariz stay strong poo

Yhanna Cababarros
Wow sanaol naman huhu. When kayaaaa

Katherine
Stay strong poooo!!

After naming magpicture ay agad din naman kaming nag-ayos dahil pupunta na kami sa mansiyon ng mga Salazar. Naghihintay na kasi sila tita doon. Tinext ko si Aria na pupunta na kami kila Yosef. Medyo hindi pa nga ako mapakali dahil gusto ko nga na kasama siya.

Nakita ko din sila Naih kanina pati si Venn! Pero saglit lang din kaming nag-usap dahil nagmamadali ang dalawa. Napailing na lang ako habang inaalala iyon. Sana nga ay maayos pa pero mukhang hindi na ata lalo na ngayon na mukhang wala na ata silang pakialam sa isa’t-isa.

Si Zymon at Troy ay parang hindi sila. Alam mo ‘yon, iyong alam mo na may nagbago sa kanila. Hindi na kasi sila parehas dati na laging nang-aasar at laging tumatawa at nagpapatawa. Tahimik na sila ngayon parang mas sumobra na nga sila dito kay Yosef at parang si Yosef na ang pumalit sa dalawa.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon