Kabanata 11

309 14 1
                                    

It’s been weeks since Yosef and I haven’t talk to each other. I really like him and I was hurt. Nasasaktan talaga ako dahil sa mga nangyari, lalo na ngayon na wala na talaga kaming pansinan. Hindi na din amo makasabay sa mga Salazar dahil nga iniiwasan ko si Yosef.

Si Aria at Caiden ang lagi kong kasama. Hindi na ata naalis ni Aria ang tingin sa akin. Lalo na kapag nakakasalubong namin sila Gracel. Inis na inis pa naman siya doon.

“Eat Sien,” ani Aria sa akin. Tumango ako sa kaniya. Pati sa pagkain ay nawawalan ako ng gana. Hindi ko na talaga alam. Gusto ko ngang lumayo sa kaniya para hindi na ako masama pa sa kung anong nangyayari sa kaniya tapos grabe naman ang epekto nito sa akin.

Hay naku.

“You need to eat,” sabi naman ni Caiden sa akin. Talagang silang dalawa ni Aria ang nakabantay sa akin. Hindi talaga ako pinapabayaan ng dalawang ‘to.

Sana nga ay forever ng ganito. Sana ay hindi na maghiwalay ang dalawa. Alam kong mahal na mahal nila ang dalawa at saksi ako doon.

Kumain na ako dahil mukhang kulang na lang ay suboan nila ako para lang makakain na ako. Pinilit ko talaga na makakain dahil sayang ang pera.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog iyon. Nakita ko ang text sa akin ni mommy. Sabi ay bukas pa daw sila uuwi ni dad. Speaking of mommy, hindi na naman siya nagopen-up sa akin tungkol may Yosef. Siguro ay nakalimutan na niya iyon. Hindi na din naman siya nagsasabi tungkol sa kasal nga ni Yosef at Mikaela. Hindi na din ako nagtatanong pa dahil baka mag-isip ulit si mom at pagalitan nga ako.

Galit lang naman si mom dahil may fiance nga naman ang tao at ayaw lang niya na mapalapit ako doon. Baka kung ano pang isipin ng iba. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

“You should tell him about that,” ani Caiden. Kumunot ang noo ng pinsan ko sa boyfriend niya.

“What? No way! Kailangang pinsan mo ang makapansin no. Manhid ba ‘yan?” Umirap si Aria sa lalaki.

Nanatili ang tingin ko sa dalawa na mukhang seryoso na nga sa pinag-uusapan nila. Si Aria ay nakataas na ang kilay at seryoso lang namang nakatingin sa kaniya itong si Caiden na mukhang marami pang gustong sabihin.

“Bakit kayo nag-aaway?” Napatingin ako sa biglang nagsalita at nakita si Caelus kasama si Chelsie. Dumating din sila Naih.

Nasaan kaya si Yosef? Bakit ba hinahanap ko pa din siya? Eh, ayoko nga na makita siya. Nagugulohan na talaga ako.

“We’re not!” sabay na sabi ng dalawa. Natawa tuloy kami doon. Bumaling ang tingin sa akin ni Venn na mukhang alam ata kung anong nangyayari. Sila Chelsie ay bumaling na din sa akin. Ano na naman kayang iniisip nitong mga ‘to?

“Yosef is with Mikaela,” ani Chelsie. Hindi ako nagsalita doon. Kahit na hindi nila sabihin ang bagay na iyon sa akin ay alam ko na din naman na magkasama nga ang dalawa.

Hindi na ako magtataka pa doon. Pagnatapos na kami sa pag-aaral ay mukhang magpapakasal na din ang dalawa. Tuloy iyon dahil nga sa mga nangyayari ngayon. I know that Yosef is happy. Hindi naman na kami nag-uusap kaya okay na iyon.

“Nag-away kayo?” Tanong ni Venn.

“No…” sabi ko sa kanila. Kahit na hindi sila magtanong mukhang alam na din naman nila. Si Aria lang naman ang sinabihan ko at mukhang alam na din naman ng mga kasama namin ngayon ang nararamdaman ko. Hindi iyon madali para sa akin.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon