Kabanata 18

276 9 1
                                    

“I love him Sien, more than myself..” Umiiyak na sabi ng pinsan ko.

Tumawag siya sa akin kanina at agad din akong pumunta sa kanila. Wala si tita kaya pinunta agad ako sa kwarto niya at ayon nga, nakita kong nakatingin lang siya sa kawalan habang umiiyak.

I couldn’t believe that Caiden can cheated to her. I mean I saw in my two eyes how he love my cousin. Hindi ko alam na aabot sa ganito, hindi ko alam na magiging ganito sila. Masaya naman sila ah pero bakit biglang nangyari ang ganito?

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano ko makakausap si Aria. Iyak lang siya nang iyak simula kanina. Mabuti nga at wala sila tita dito. Sinabi din niya sa akin na pinagalitan pa siya ni tita. Hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko. Nasasaktan din ako para sa kaniya ngayon. Nasasaktan ako sa nangyayari sa kaniya.

“Tapos si mommy…h-hindi ko na alam..I was tired..when I got..h-home but mom s-slapped me… Hindi ko na alam k-kung an..ano..ba ang g-gagawin ko. Nahihira..p-pan.. na ako…” Iyak lang siya nang iyak habang nagsasabi sa akin ng nararamdaman niya ngayon.

Hindi ko din tuloy maiwasan na umiyak. Nararamdaman ko kasi si Aria. Sobrang nasaksaktan siya ngayon. Gusto kong makausap si Caiden. Gusto kong malaman kung bakit sila nagkaganito. Alam kong mahal na mahal nila ang isa’t-isa pero umabot sila sa puntong may manloloko sa kanila. Hindi ko maintindihan.

Nakinig lang ako kay Aria habang nagsasabi siya sa akin at umiiyak. Wala pa akong masabi sa kaniya dahil hindi ko din naman alam ang sasabihin. Wala akong kinakampihan sa kanilang dalawa.

Hindi lang talaga ako makapaniwala na kayang gawin iyon ni Caiden. Hindi ko na din naman sinabi kay Aria ang opinyon ko dahil alam kong galit ma galit din siya sa lalaki.

After months of their breakup. Nalaman ko din na naghiwalay na sila Venn at Troy. Parang mawawalan ata ako ng malay nun. Hindi ako oa pero iyon ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Akala ko ay joke lang iyon dahil alam kong puro kalokohan lang sila Troy at madalas nga silang magbiro pero iyon ang kauna-unahang beses na nakita kong umiyak si Troy.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko nun. Halos hindi makakain si Troy. Hindi na nga talaga siya kumakain at puro na lang siya inom. Nagagalit na sila Yosef sa kaniya, si Caiden ay ganun din. Parehas lang sila ni Troy. Si Zymon naman ay naiintindihan ang dalawa at dinadamayan na lang ‘to. Tapos na si Zymon doon eh pero alam kong meron pa din. Hindi naman ata mawawala agad iyon lalo na kung matagal talaga ang pinagsamahan niyo.

Yosef and I celebrated our 3rd anniversary in the restaurant. Sobrang saya ko dahil umabot kami ng tatlong taon. Naalala ko pa dati na wala akong ganito. Hindi nga kasi ako lumalabas at bawal akong magboyfriend pero masaya ako na nagagawa ko na iyon.

Busy kami lagi ni Yosef sa school. Lagi din kaming babad sa mga libro at nag-exam pa kami. Naghahanap na din kami ng condo unit na bibilhin namin. May ipon na kasi kaming dalawa, iyon ang gagamitin namin sa pagbili ng condo at pagbili ng mga gamit para sa condo naming dalawa. Sinabi ko na iyon kay mommy at sobrang proud pa nga siya sa akin dahil nakapag-ipon ako.

Pero kay daddy wala pa. Hindi ko pa talaga masabi. Hindi ko na nga alam kung kelan ko ba masasabi ang lahat kay daddy. Natatakot ako sa reaksiyon niya.

“Year of breakup ba ngayon? Tangina,” ani Chelsie at naupo sa tabi ko. Nasa cafeteria kami at kumakain. Nasa harap ko si Aria na tahimik lang, malalim ang iniisip.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon