Kabanata 20

336 13 2
                                    

“Are you nervous?” Tanong sa akin ni Yosef. Magkasama kami ngayon sa condo namin. Kinakabahan ako dahil titingnan namin ang result ng board exam ko.

Dito ko malalaman kung Engineer na ba ako o hindi. Gosh. Kanina pa ako kinakabahan.

“Super,” sabi ko sa kaniya. Niyakap niya ako at binigyan ng mabilis na halik. Nakaharap na kami sa laptop at nagtype na siya doon para makita na namin ang result.

Pumikit ako at nagtago sa kaniyang braso. Natawa siya doon at naramdaman kong hinawakan niya ang bewang ko.

“It’s fine love, you can take again if you failed this,” aniya.

Napanguso tuloy ako sa sinabi ng lalaki. “Ikaw na lang tumingin love,” sabi ko.

Tumingin ako sa kaniya at hindi ko tiningnan ang laptop ko.

“Baby…” Kinabahan ako sa tono ng boses ni Yosef. Oh my god! Hindi ba ako nakapasa?!

“You…” Pinutol niya ng sinasabi at tumingin sa mga mata ko. “You passed the exam baby!” Nanlaki ang mata ko at agad na tiningnan ang laptop at hinanap ang apelyido ko doon.

1024 Conley, Sienna Dawn

I covered my mouth when I saw my name. Agad akong nagtatatalon at yumakap sa boyfriend ko.

Oh my god! I passed!

“Baby I passed! God! Engineer na ako,” naiiyak na sabi ko sa lalaki. He kissed my forehead and hugged me tight.

“I’m so proud of you,” he said. Mas lalo tuloy akong naiyak sa sinabi niya.

Nagpicture kami ni Yosef at pinost niya iyon sa kaniyang account. May caption pang “My baby passed the board exam! Proud of you my Engineer. I love you.”

After knowing that I passed the board. Sinabi ko na agad iyon kay mommy. Nagplano na sila ni daddy na maghanda para sa akin. Sa side din ni Yosef ay ganun. Kaya inisa na lang namin ang party para hindi na magkagulo pa.

Kinabukasan ay pumunta kami sa Palawan. Doon kasi naisip na magcelebrate, syempre pumayag na kami kasi stress na din ang boyfriend ko. Kahit hindi niya sabihin sa akin ay alam kong napapagod siya ngayon sa law school. Actually, silang tatlo talaga nila Caelus. Iyon ang napapansin ko kapag nakikita ko sila. Mahirap naman talaga ang maglaw, kahit hindi ako nag-aaral nun ay nararamdaman ko naman dahil nakikita ko kay Yosef.

“Oh my god! Hello!” I hugged Yosef’s mom.

Sobrang excited sila nang makita ako. Niyakap pa nila ako isa-isa. Kami na lang kasi ang natitira ni Yosef. Wala na sila Chelsie eh. May iba ng career na tinatahak. Nakita ko na nga iyong fashion show na nirampahan ni Chelsie. Ang ganda niya lalo.

“Yosef, hiramin ko muna ang girlfriend mo,” ani tita sa anak.

“Don’t scare her mom,” sabi ng lalaki. Napailing si tita at ngumiti kay Yosef.

“Of course not dear, mabait ako no!” ani tita. Umiling na lang si Yosef at ngumiti sa akin. Ngumiti din ako sa kaniya at sumama na nga kay tita. Nginitian ko sila Caiden na papunta na sa pwesto ni Yosef ngayon.

Nag-uusap kami nila Caiden. Tinatanong niya pa sa akin ang pinsan ko pero syempre sinasabi ko na okay naman ang pinsan ko kahit na laging umiiyak sa akin ang babae. Ayaw ko lang na malaman ni Caiden na umiiyak pa din si Aria dahil baka kung anong gawin ni Caiden at sisihin ulit ang sarili niya.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon