Kabanata 25

384 15 1
                                    

“Mommy, when will I meet my daddy?” Napatingin ako sa anak ko na ngayon ay tinigil ang paglalaro at nakatingin na sa akin.

Ilang linggo matapos naming umuwi dito sa pinas ay ito na ang bukambibig niya. Hindi ko na din alam kung anong sasabihin kaya sinasabi ko na malapit na niyang makilala ang daddy niya.

“Daddy is busy right now baby,” sabi ko sa anak.

Naging malungkot ang mukha niya at parang naiiyak na sa sinabi kong iyon. Kumirot ang dibdib ko sa nakita sa anak.

“Is he mad at me?” My son asked.

“No. Of course not baby,” sabi ko sa anak.

“Then, why is he’s not here to see me?” aniya at nakita kong may tumulong luha sa kaniyang mata.

Niyakap ko ang anak ko at pinipigilan din na wag umiyak. Ang sakit-sakit na makita na umiiyak si Yaakov.

“Don’t worry, I will talk to your daddy,” sabi ko sa kaniya. Napatingala sa akin ang anak ko at pinunasan ang kaniyang luha.

“Really po?” He asked. I nodded at him. He smiled at me and hugged me again.

“What’s wrong?” Tanong ni mommy sa amin. Tumingin siya sa anak ko na ngayon ay parang hindi umiyak. Kanina lang ay pinag-uusapan namin ang tungkol sa daddy niya at nang sabihin ko na kakausapin ko ang daddy niya ay bigla na siyang ngumiti. Ang bilis magbago ng emosiyon.

“MommyLa, I’m going to meet my father!” aniya. Nagulat si mommy doon at tumingin sa akin.

Alam na naming dalawa na iyon ang laging hiling sa amin ni Yaakov. Nasanay na kami doon pero nasasaktan pa din talaga ako kapag naririnig iyon sa anak ko. Kinakabahan kasi ako doon.

Nagpatuloy sa paglalaro si Yaakov habang nakatingin ako sa kaniya. Sobrang excited siya na makita ang daddy niya.

“Nag-usap na kayo?” Tanong sa akin ni mommy. Napatingin tuloy ako sa kaniya.

“Hindi pa po,” sabi ko sa kaniya. “Hindi ko po alam kung anong sasabihin mom,” dagdag ko pa.

“You must tell him right away anak, naghahanap na si Yaakov ng tatay,” sabi ni mommy sa akin. Hindi agad ako nakapagsalita dahil iyon naman ang totoo. Hindi ko alam kung paano sasabihin, naghahanap pa ako ng tyempo.

Isa pa may girlfriend na ‘yung tao. Paano na lang kung ganun nga. Paano ko masasabi sa kaniya kung may babae na siyang uuwian. Mahihirapan si Yaakov doon, mahihirapan kami sa ganung sitwasiyon. Hindi ko naman ipinagkakait ang anak ko pero nahihirapan ako.

“Kakausapin ko siya mommy pero hindi pa po ngayon,” sabi ko. Tumango si mommy sa akin at ngumiti. Sinasabing kaya ko para sa anak ko.

Naging mabilis ang araw. May kikitain akong kliyente ngayon, hindi pa ako nakakalabas ng office ay pumasok na iyong secretary ko.

“Engineer, Miss Chelsie Salazar are outside. She wants to talk to you,” aning secretary ko.

Nagulat pa ako dahil wala naman kaming pinag-usapan ni Chelsie ngayon. Ano kayang kailangan ng babaeng ‘to sa akin.

“Oh, okay. Papasokin mo na,” sabi ko. Tumango sa akin ang babae at agad na lumabas para papasokin si Chelsie.

Agad namang ngumiti si Chelsie na kasama pala si Ashton. Agad akong lumapit sa dalawa at humalik sa pisngi ni Chelsie. Naupo ako para halikan sa pisngi si Ashton at yakapin ito.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon