Kabanata 2

371 18 1
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya maaga din akong nagprepared sa pagpasok ko. Hindi pa din mawala sa isip ko ang nangyari kahapon, iniisip ko kung ano nga ba ang sasabihin ko kay Gracel na nawala ko ‘yung activity niya.

Kinuha ko ang cellphone ko nang makitang tumatawag si mommy. Kahit nasa ibang bansa sila ay hindi talaga nila malilimutan na tumawag sa akin. Hindi ko alam kung tama pa ba ‘to o sadyang nag-aalala lang talaga sila sa akin.

“Yes po mom?” Tanong ko.

“Where are you? I called Aria. Ang sabi niya ay wala ka pa sa school,” sabi ni mom.

“I’m on my way na po mom,” saad ko. Nakasakay na ako sa kotse namin at papunta na nga kami sa UOC.

“Okay. Akala ko kung saan ka na pumunta. Tatawagan ko si Aria mamaya para icheck kung nasa school ka na ba,” saad ni mom sa akin. It’s look like she’s on the meeting and she called me just to check where I am.

Binaba na ni mommy ang tawag at tinago ko na din ang cellphone. Lagi namang ganun sila mom sa akin, ano pa bang bago. At saka ang aga pa din naman, sobrang aga naman ni Aria sa school.

Hanggang sa makarating sa school ay ‘yung tungkol pa din sa activity ni Gracel ang inaalala ko. Hindi ko alam kung saan ba iyon hahanapin at kung paano ko ipapaliwanag kay Gracel na nawala ko iyon.

“Sienna.” Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita ko ang pinsan kong papunta sa gawi ko.

“Tumawag si tita Miles sa akin, hinahanap ka,” sabi niya at sinabayan ako sa paglalakad.

“Tumawag din si mom sa akin,” sabi ko sa kaniya. Tumango siya sa akin at magsasalita na sana kaya lang ay tumunog ang kaniyang cellphone at kinuha niya ‘yon agad.

“Tita.” Tumingin sa akin si Aria. “Yes po, she’s here.” Nakatingin lang ako sa kaniya habang kinakausap niya si mommy. “Okay po tita, wait lang.” Inabot sa akin ni Aria ang phone niya at kinuha ko naman agad iyon.

“Mom,” bati ko.

“Kakarating mo lang? Hindi pa ba kayo late?” Medyo tarantang tanong ni mommy sa akin.

“Hindi pa po. It’s too early,” saad ko. Nagkatinginan kami ni Aria at saktong dumaan sila Gracel at tumingin sa amin. Umiwas siya ng tingin kaya nagtaka ako. Hindi ba siya magtatanong tungkol doon sa activity.

“Sienna!” Nilayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses ni mom. “Are you listening? Kanina pa ako nagsasalita dito.” Napatingin ulit ako kung saan pumunta sila Gracel. Papunta na sila sa room namin.

“Yes mom,” sabi ko. “Ibababa ko na po, papasok na kami,” sabi ko.

“Okay, I will call you later,” sambit ni mom at binaba na ang tawag. Umiling si Aria at tumingin sa akin. Inabot ko na din sa kaniya ang phone niya.

“Did Gracel do something bad to you?” Kunot noong tanong sa akin ni Aria. Napatingin ulit ako sa kaniya at seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

“Wala.” Umiling ako sa kaniya. Nanatili ang tingin niya sa akin at mukhang hindi naniniwala sa sinabi ko. Ayoko din namang sabihin sa kaniya ang tungkol doon dahil alam ko ang ugali ni Aria. Baka mamaya ay awayin niya pa ang mga iyon, mas okay na hindi ko na sabihin sa kaniya ang tungkol doon.

“Okay.” Dahan-dahan siyang tumango sa akin at hinila na ako dahil baka mahuli pa kami sa klase. Kanina pa din ako kinakabahan at hindi ko alam ang sasabihin mamaya kay Gracel.

Kumaway ako kay Aria at nauna na nga siyang maglakad sa akin. Nasa kabilang building ang room niya. Pumasok na ako sa room naming at ang una kong nakita ay si Gracel. Nang magtama ang mata namin ay agad siyang umiwas ng tingin sa akin. Yumuko na lang din ako at hinintay na lang ang pagdating ng professor namin. Nagtataka ako kung bakit ganito ang trato niya sa akin ngayon. I mean we didn’t friends but I’m just confused right now. Kapag nagkikita kasi kami ay lalapit agad siya sa akin at magtatanong kung natapos ko na ba ang ibang activity namin, nasanay na din ako na ganun ang trato niya sa akin.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon