Kabanata 7

305 10 0
                                    

“Do you like him?” Tanong sa akin ni Aria. Sinabi ko sa kaniya iyong mga nangyari nung isang araw. ‘Yung pinagalitan ako ni mommy, ang pagtawag ni Yosef sa akin hanggang sa doon kay Mikaela.

“Hindi naman…” sabi ko at umiling pa.

“Okay lang naman if you like him pero may fiance kasi siya,” sabi ni Aria sa akin.

Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi niya. Alam ko naman iyon pero hindi ko din naman kasi alam kong may gusto nga ba talaga ako sa kaniya.

Napatingin ako sa mga studyanteng nagr-review pa din dito sa cafeteria. Tapos na akong magreview. May dalawa pa akong exam after nitong lunch namin. Si Aria naman ay ganun din, nagkwentohan na lang muna kami dito sa cafeteria tutal tapos na kaming magreview.

“Mahirap din kasi basahin ang lalaking iyon. He’s cold hmp,” ani Aria sa akin. “Ang sungit, sa ‘yo lang ata siya ngumingiti eh,” dagdag pa ni Aria sa akin.

“Kay Mikaela din naman,” sabi ko at nag-iwas ng tingin.

“Lagi mo na ding binabanggit ‘yang Mikaela na ‘yan, hindi naman sila bagay ni Yosef,” medyo inis na sabi ng pinsan ko at sumimsim sa kaniyang milk tea.

“Yosef is happy with her,” komento ko. Iyon naman kasi ang nakikita ko sa tuwing magkasama sila. Halata naman na gusto nila ang isa’t-isa kaya hindi na lang talaga ako lalapit sa kaniya.

Isa pa iyon din ang sabi sa akin ni mommy. Ayokong suwayin ang utos ni mom. Baka makarating na din iyon kay dad at ayaw ko din naman na malaman ni daddy iyon.

“Hi Aria! Sienna!” Napatingin kami sa tumawag sa amin at nakita sila Naih, kasama na sila Zymon. Akala ko ay kasama na din si Yosef pero wala naman siya doon.

“Hi girls,” ani Aria. Ngumiti kami sa kanila at naupo na sila sa tabi namin. Omorder na naman sila ng pagkain nila at nagsimula na ding kumain habang nagkukwentohan kami sa kung ano. Ang ingay din kasi nila Troy.

“Ang ingay mo Troy,” sumama ang tingin ni Venn sa lalaki at nakita ko ang pagnguso ni Troy sa kaniya. Natawa ang mga kasama namin sa table.

“Under naman pala! Understanding haha!” ani Zymon.

“Tangina mo,” mura ni Troy sa pinsan. Mas lalo lang tuloy silang natawa doon.

Hindi na ako nakipagsabayan dahil hindi ko din maintindihan iyong iba nilang pinag-uusapan. Nakatingin lang naman ako sa kanila na ngayon ay kinakausap ang mga lalaki. Lalo na ang pinsan ko na nakataas na ang kilay kay Caiden. Nag-away na naman ata sila?

“Where’s Yosef?” Tanong ni Aria. Hindi ko alam pero napatingin sila sa akin.

“Ayan na,” ani Troy at napatingin sa may likuran ko. Nilingon ko din iyon at nakita nga si Yosef. Hindi agad ako nakapagsalita dahil kasama niya si Mikaela.

“Ang tagal mo,” ani Zymon sa pinsan. Tumingin pa ito sa akin pero tumingin na lang ako sa milk tea ko. Pati si Aria ay napatingin din sa akin, hindi naman ako ang kausap nila. Si Yosef naman.

“Akala ko nakasunod ka sa amin kanina, hindi pala,” ani Caelus at umiling pa.

“Sorry guys, pinuntahan niya pa ako sa room eh,” ani Mikaela. Naramdaman ko ang pagtingin sa akin ni Aria at ni Chelsie na katabi ko.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon