Kabanata 29

428 12 0
                                    

Warning: Spg (Read at your own risk.)

“Ang gwapo naman talaga ng baby ko!” Nakangiting sabi ko habang inaayos ang buhok ng anak ko. Kamukhang-kamukha ng daddy pero syempre hindi din ako papayag na siya lang. Kamukha ko din ang anak ko no.

Pupunta kami ngayon sa mansiyon ng mga Salazar. Kasama din si mommy, may family dinner kasi ang buong pamilya kaya lahat nga kami ay pupunta. May announcement din kasi daw ang mag-asawang Naih at Zymon.

“Of course, mana sa akin eh.” Nilingon ko ang nagsalita at nakita si Yosef na nakangiti sa amin. Hinawakan niya ang bewang ko at sa isang kamay ay hinawakan niya sa kamay ang anak namin.

“Dad! Zach and the boys are planning to go to the beach. I will join too! We’re going to borrow the car of tito Zymon!” Nanlaki ang mata ko nang mapatingin sa anak ko.

Natawa so Yosef at sumakay na nga kami sa sasakyan.

Beach!? Ang bata-bata pa nila tapos beach na agad ang pinag-uusapan? Naku, ano kayang magiging reaksiyon ng mga girls kung malaman nila ‘to. Napailing ako at tumingin kay Yosef na nakangiti pa din.

“Hindi ka pa marunong mag-drive anak ko,” sabi ko kay Yaakov.

“Dad and tito Zymon will join us so, they can drive us to beach,” my son said while looking at me.

Oh, c’mon. Ang anak mo Yosef.

“Sure baby,” sabi ni naman ni Yosef. Nangunot ang noo ko sa lalaki at talagang sinasabayan pa ng ama.

“Yey! I will them later if we arrive,” ani Yaakov at ngumiti sa amin. Napailing na lang ako habang nakatingin sa anak.

Hindi naman traffic kaya agad din kaming nakarating sa mansiyon. Ang tahimik nga ni Yaakov pero halata pa namang excited dahil panay ang ngiti sa likod.

Nakita na agad namin sila Chelsie kasama ang mga bata. Agad namang nag-usap ang mga bata at boses agad ng anak ko ang narinig ko.

“My dad and mom agreed with me. We’ll going to the beach!” Napailing ako nang marinig iyon.

Natawa ang mga kasama namin dahil medyo malakas ang boses ng anak ko. Napailing na lang ako doon. Naglaro pa sila at mukhang nagplano na nga.

Nagsimula na din kaming kumain at hindi ko feel ang uminom ng alak kaya nagjuice na lang ako. Naubos ko na din ang pasta na nasa plato ko, ang sarap kasi. Nasa harap na sila Naih at Zymon na siyang nagpahanda din ng ibang mga pagkain.

“Hi guys. Good evening! We’re here because me and my wife will announce something to all of you.” Nakangiting sabi ni Zymon habang nakahawak sa bewang ng asawa.

May kinuha sila sa sobre at napangiti ako nang makitang picture iyon ng ultrasound ng kanilang baby.

“I’m 4 months pregnant!” sabi ni Naih habang nakangiti. Tumakbo si Zachariah at Zaira sa kanilang mommy at daddy at yumakap doon. Mas lalo lang akong napangiti.

“Congrats beb!” ani Chelsie at yumakap sa kaibigan. Ganun din ang ginawa ko sa kaniya. Sobrang saya ko dahil buntis si Naih. Hindi pa naman masiyadong halata ang kaniyang tiyan pero grabe na din ang cravings niya.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon