Kabanata 8

311 12 1
                                    

Undas break na. Bumisita na kami sa sementeryo nila mom kahapon, nakita ko din ang ilan ko pang schoolmates. Sila Aria ay ganun din, nagmamadali sila tita mukhang may pupuntahan. Sila mom naman ay aalis din kaya pupunta na lang ako kila Aria ngayon. Sabi niya ay magm-mall daw kami.

I texted Aria so she can know that I’m going to their house.

Me:
I’m on my way na sa inyo.

Aria:
Omg! Okay girl! Magbibihis na ako!

Tinago ko na ulit ang cellphone ko at umayos ng upo. Ako lang ang nasa sasakyan. Sila mom and dad ay hinatid ng isa naming driver papunta sa airport. Nagpaalam na din naman ako sa kanila na pupunta ako kay Aria dahil nga mags-shopping kami.

Mabuti nga at hindi na nabanggit sa akin ni mom ang tungkol doon kay Yosef. Siguro ay nakalimutan na niya iyon. Kaya lang naman nasabi ni mom iyon dahil nga may fiance si Yosef, pangit naman talagang tingnan kung sasama ako sa kaniya tapos may fiance siya. Ano na lang ang iisipin ng mga tao?

Mabilis din naman kaming nakarating sa bahay ni Aria. Sinabi ko na lang kay kuya na umuwi na dahil may sasakyan din naman si Aria. Hindi pa ako nakakapasok ay nakita ko na si Aria sa may labas. Kumaway siya sa akin at ganun din ako.

“Let’s go!” aniya. Mukhang exicted na excited. Magkikita ata sila ni Caiden? Hindi ko alam kung sila na ba pero iyon kasi ang napapansin ko. Madalas silang mag-usap at magkasama, nagkukwento pa siya sa akin tungkol sa mga pinag-aawayan nila. Hindi ko naman alam kung sila na nga ba.

“Why are you so excited?” Tanong ko sa kaniya. Napangiti siya sa sinabi ko at binuksan ang kaniyang sasakyan. Sumakay na din ako para mabilis kaming makapunta sa mall.

“What? Me?!” aniya at umiling-iling pa. Napailing na lang din tuloy ako. Nag-drive na siya habang patingin-tingin pa sa kaniyang cellphone.

Kinuha ko din ang cellphone ko at nakitang wala namang kung anong text doon. Wala din naman akong textmate!

“What’s wrong?” ani Aria sa akin. Napansin ata niya na napapatingin ako sa cellphone ko.

“Wala,” sabi ko sa kaniya. Tumango siya sa akin at umayos na ulit ako ng upo at tumingin na lang sa labas.

Mabilis lang din naman kaming nakarating sa mall. Medyo marami na din ang tao nang magpark kami ng sasakyan. Tumingin ulit si Aria sa cellphone niya at nagtipa doon. Magkikita nga ata sila ni Caiden. Ayaw pa sabihin sa akin eh.

“Magkikita ba kayo ni Caiden?” Tanong ko sa kaniya.

“How did you know?” Her voice sounds so shock. I just shrugged at her.

“Napansin ko lang,” sabi ko sa kaniya. Pumasok na kami sa loob.

“Wow! Hindi ko alam sasabihin,” aniya. Kumunot ang noo ko sa kaniya. Ano kayang ibig sabihin niya doon?

“Bakit?” Tanong ko sa kaniya.

“Naninibago lang kasi dati hindi mo naman ‘yon napapansin at saka wala kang pakialam,” aniya sa akin. Hindi ako nagsalita sa sinabi niya. Nagpatuloy na kami sa paglalakad habang tumitingin sa mga damit na nakikita. Wala pa akong nagugustuhan, hindi ko tuloy alam kung bibili ba ako.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon