Kabanata 13

319 10 0
                                    

Habang Buhay / Zack Tabudlo

Family dinner with the Salazar family is fun. Sobrang saya na kompleto kami kagabi. Sana maulit ulit iyon dahil sobrang saya talaga nilang kasama.

I baked cupcakes and cookies for Yosef. Today is our first anniversary. Mukha niya ang nakadisenyo sa cookies na gawa ko. Sana nga ay magustuhan niya.

“Is that for my son in law?” Nanlaki ang mata ko nang makita si mommy. Akala ko ay wala na siya dito. Maaga kasing umaalis si mom kapag ganitong may trabaho siya.

“Mom…” sabi ko. Natawa si mommy sa reaksiyon ko. Hindi ko pa nga nasasabi sa kanila na kami na ni Yosef pero mukhang mahahalata naman niya sa bawat kilos ko.

“My baby is not baby anymore. By the way, ipakilala mo ako diyan ah,” ani mommy sa akin. Alanganin pa akong ngumiti kay mommy. She kissed my cheeks and smiled.

Don’t worry mom.. you’ll meet him soon.

“It’s okay to have a boyfriend Sien. 19 ka na naman, legal age,” ani mommy sa akin.

Gusto ko nang sabihin sa kaniya pero hindi ko alam kung paano. Next time na lang siguro kapag kasama ko na si Yosef.

“Thank you po mommy,” sabi ko at yumakap sa kaniya. Hinaplos niya ang buhok ko.

“I’m sorry Sienna,” she said. Naramdaman kong parang naiiyak si mommy habang sinasabi iyon.

“Sorry for being hard to you. Ginawa ko lang iyon dahil ayaw kong mapahamak ka at nag-aalala ako sa ‘yo. Ikaw lang ang anak ko, ayaw kong mawalan ng anak,” aniya.

Napatingin ako kay mommy. Umiiyak na siya. Hindi ko din tuloy maiwasang umiyak. Naiiyak ako kapag may umiiyak sa harapan ko lalo na ngayon na si mommy ang umiiyak. Naiintindihan ko naman si mommy, kung bakit naging mahigpit siya sa akin dati. Naiintindihan ko ang lahat ng iyon kaya nararamdaman ko ang nararamdaman ni mommy ngayon.

“Mom I understand you po, it’s okay,” sabi ko sa kaniya.

“I’m really sorry. Akala ko nung una ay okay lang na maghigpit sa ‘yo at akala ko ay masaya ka na ganun pero napapansin ko na hindi pala. Napapansin ko na lagi kang nakatingin lang kay Aria kapag nandito siya habang nagkukuwento ang pinsan ko, napapansin ko na naiinggit ka dahil nagagawa niya ang mga bagay na hindi mo nagagawa,” ani mommy sa akin. I saw how her tears fall from her eyes.

“It’s okay mom. Okay lang po, naiintindihan ko naman po,” sabi ko ulit sa kaniya. Naiiyak na din ako dahil grabe na ang pag-iyak ni mommy. Mabuti nga at wala din si daddy ngayon dito. Hindi ko din alam na makakapag-usap kami ng ganito ni mommy.

“Ngayon naiintindihan ko na, na sobra nga akong naging mahigpit sa ‘yo. Mas mabuti iyong nakikisalamoha ka din sa iba. Katulad ng pinsan mo,” sabi pa ni mommy sa akin.

“Thank you po mommy,” sabi ko sa kaniya at niyakap ulit siya. Tumutulo na nga ang luha ko. Medyo kumikirot din ang dibdib dahil nakapag-usap kami ng ganito ni mommy ngayon.

“Hindi na ako maghihigpit sa ‘yo anak basta’t alam mo naman ang ginagawa mo. Basta kapag may mga hindi ka maintindihan o may problema kang hindi mo na makayanan. I’m here anak, always,” mas lalo lang akong napaiyak sa sinabi ni mommy.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon