Kabanata 24

352 12 2
                                    

“Sige na please.” Nagmakaawa pa sa akin si Aria habang hawak ang kamay ko.

Pinipilit niya ako na sumama sa reunion ngayon. Reunion para sa batch namin nung college. Wala naman akong gagawin doon, isa pa walang magbabantay sa anak ko.

“Aria, walang magbabantay sa pamangkin mo,” sabi ko sa kaniya.

“Eh! Kay mommy at tita! Sige na please, promise madali lang tayo,” sabi niya pa.

Hindi ako makakatanggi sa babaeng ‘to. Kanina pa niya ako pinipilit eh. At saka, kinakabahan ako dahil alam kong nandun din si Yosef.

“Oo na. Ang kulit mo,” sabi ko.

Nagtatalon pa siya kaya agad ko siyang pinahinto.

“Aria! You’re pregnant!” sabi ko.

Ang babaeng ‘to, alam ng buntis siya pero tumalon pa din. Ako ang kinakabahan sa kaniya eh.

“Sorry girl. Excited lang,” aniya. Napailing ako sa kaniya at inayos na nga ang ilang mga gamit ko sa trabaho.

Pauwi na nga ako at dumaan pa siya dito sa office ko para lang sabihin sa akin na kailangan ko ngang pumunta sa reunion na iyon. Next week pa naman iyon kaya hindi kailangan na magmadali.

“Nga pala, pupunta si Yosef,” sabi ni Aria habang umiinom ng yogurt. Pababa na kami ng building. Hinihintay din ata siya ni Caiden sa baba.

“Alam ko,” sabi ko din sa kaniya.

“Ay. Kaya ka pupunta dahil sa kaniya?” Kumunot ang noo ko sa sinabi ng babae.

“No! Hindi ah!” agad na tanggi ko sa kaniya.

Kahit naman iyon pa ang dahilan ko alam ko na hindi pa din ako papansinin ng lalaki. Halata naman sa mukha niya na galit pa din siya sa akin hanggang ngayon.

“Ang taas ha!” ani Aria sa akin. Napailing na lang ako sa kaniya. Nang makarating sa parking lot ay nakita ko agad si Caiden doon naghihintay sa asawa niya. Akala ko ay siya lang pero nagulat ako nang makitang nandun din si Yosef na nakasandal sa kaniyang BMW.

“Ay may sundo ka din?” Ngumisi sa akin si Aria. Umiling lang ako sa kaniya. Wala akong dalang sasakyan ngayon, kaya nga pumunta din si Aria para sa kanila na ako makisabay.

Nang makita kami ng dalawang lalaki ay lumapit agad si Caiden kay Aria at hinalikan ito. Nagkasalubong ang mata namin ni Yosef. Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.

“Sienna you will ride Yosef—” Napatakip sa bibig si Aria nang sabihin iyon. Nag-init tuloy ang pisngi ko sa sinabi ng babae.

“I mean sa BMW ka sasakay, kasama si Yosef. May pupuntahan pa kasi kami ni Caiden eh,” ani Aria sa akin.

Hindi ko gusto ang ngiti ni Aria ngayon lalo na’t sinabayan pa si ni Caiden. Ang mag-asawang ‘to, nakakainis.

Wala na din naman akong nagawa kun’di ang sumakay na sa kotse ng lalaki. Sa likod sana ako uupo pero ang sama ng tingin sa akin ni Yosef.

“What are you doing?” He asked me.

“What? Edi uupo,” sabi ko din sa kaniya. Umigting ang kaniyang panga at napairap.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon