Kabanata 12

325 10 0
                                    

Stress lagi ang sumasalubong sa akin kapag Monday. Masakit na nga ang ulo ko eh. Second year na kami at ang bilis ng araw. Yosef and I confessed to each other. Akala ko nga ay matutuloy pa ang kasal nila ni Mikaela but I was shocked when he told me that he cancelled it.

And now… we’re happy for having each other. I’m happy that I’m with Yosef and he’s happy too.

“Where’s your boyfriend?” Tanong sa akin ni Aria. Nasa cafeteria kami at kumakain. Dumating na din si Venn at Troy na magkatabi na ngayon.

“Papunta na,” sabi ko. Kakatapos lang ng klase ni Yosef at papunta na din siya dito para sabay-sabay nakaming maglunch.

“Umalis na si Mikaela no?” ani Naih. Napatingin tuloy ako sa kaniya. Since Yosef and I become in a relationship, hindi ko na nakita pa si Mikaela. Siguro nga ay umalis na iyon at lumipat ng ibang school.

“Yata?” Patanong na sabi din ni Chelsie. Mukhang wala naman silang pakialam kung nandito ba iyong babae o wala. Malaki nga ang galit nila doon.

Napatingin ako sa phone ko nang tumunog iyon. Nakita ko ang text ni mommy sa akin. Nasa France pa sila at hindi ko alam kung uuwi ba sila agad.

Mommy:
Dear. I heard about Yosef and Mikaela. Did Mikaela do something bad to you?

Napakunot ang noo ko sa tanong ni mommy. Hindi naman ako nagsabi sa kaniya kung ano ba ang mga nangyayari sa akin dito sa school tapos ganito ang mababasa ko. Saan naman kaya nakuha ito ni mommy? Ayaw ko din naman na mag-alala pa siya kaya mas mabuting itanggi iyon.

Me:
Wala naman po siyang ginawa mom. And yes po, Yosef and Mikaela cancelled their wedding.

Tinago ko na ang cellphone ko. Alam kong abala din sila mommy doon. Mas mabuting iyon na lang muna ang sabihin ko sa kanila para hindi na sila magtanong pa ng kung ano. Isa pa, sasabihin ko din naman kila mom ang tungkol sa amin ni Yosef para hindi sila mabigla sa amin. Lalo na si daddy.

“Hi love,” bati ni Yosef sa akin. I smiled at him. Narinig ko pa ang tikhim ni Troy nang maupo na sa tabi ko si Yosef. Napailing na lang ako doon. Nagsimula na din kaming kumain. Kanina pa ako nagugutom eh.

“Saan lumipat si Mikaela?” I heard Chelsie’s voice. She’s really curious about the girl. Napatingin din tuloy ako sa katabi kong lalaki. Baka kasi may alam siya? Hindi ko din naman siya tinanong pa doon.

“I don’t know either,” ani Yosef sa amin. Halata sa kaniyang mukha na wala nga siyang alam. After kasi nung pag-uusap daw nila about sa wedding ay umalis na siya agad at hindi na niya alam kung ano nga ba ang naging sagot ni Mikaela at kung saan nga ito lumipat.

Ayaw na din naman ni Yosef na pag-usapan ang tungkol doon. Hindi na din nga ako nagtatanong dahil ayaw ko na din na mabanggit pa iyon.

“Why are you so curious babe?” Tanong ni Caelus sa kaniyang girlfriend. Uminom muna si Chelsie sa kaniyang milk tea bago sumagot sa lalaki.

“Just concern,” aniya.

Nagkukwentohan pa kami doon habang kumakain. Napansin ko pa ang ilang mga tingin sa amin ng ilang studyante lalo na iyong mga babae. Hindi ko alam kung kasama ba ako sa tinitingnan nila o baka sila Yosef lang iyon. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpatuloy na nga sa pagkain.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon