Kabanata 14

294 11 0
                                    

“What’s your gift to Yosef, baby girl?” Chelsie asked me.

Nasa cafeteria pa kami pero tapos na naman ang mga klase namin. Didiritso na kami sa bar dahil birthday nga ni Yosef ngayon.

“Watch and shoes,” sabi ko. Wala na kasi akong maisip pa na pwedeng ibigay sa kaniya. Nagmamadali pa kami ni Aria para lang makabili agad.

“Take this.” Kumunot ang noo ko nang may inabot sa akin si Chelsie. Kulay pula iyon at parang candy. Namilog ang mata ko nang mapagtanto kung ano ang binigay sa akin ng babae.

God.

Condom!?

“Chelsie!” Gulat na sabi ko sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang nakahawak ako ng condom! Ngumisi lang sa akin si Chelsie at mukhang tuwang-tuwa sa naging reaksiyon ko.

Ibabalik ko na sana iyon sa kaniya kaya lang siya na ang naglagay nun sa bulsa ko. Hindi ko na alam kung paano iyon kukunin ulit para ibalik sa kaniya. Nasa cafeteria pa naman kami at maraming studyante!

“C’mon girl! Masarap kaya ‘yon,” sabi naman ni Naih. Bakit ba sila lang ang kasama ko? Sana nandito din ang boys para hindi ito ang usapan namin ngayon.

Napatingin din ako sa pinsan ko na kumakain ng fries at mukhang wala namang balak na tulongan akong wag na iopen-up ang topic na iyon dahil nga nahihiya ako. Alam ko din naman nagawa na nilang lahat iyon pero ayaw ko talagang pag-uusapan dahil nakakahiya.

“Ganiyan din ako dati pero enjoy naman,” sabi pa ni Naih.

Talaga bang pag-uusapan namin ito ngayon? Talaga ba? At talagang nakikinig ako sa kanila. God. Ano ba ‘to huhu?

“Oo nga bebe,” ani Chelsie sa akin habang nakangiti. Hindi na nga ata mawawala ang ngiti sa kaniyang labi.

“Guys. Stop that. Wala pa akong balak sa ganiyan,” sabi ko sa kanila. Sabay-sabay silang nagkatinginan at hindi pa makapaniwala sa sinabi ko kanina.

God. Hindi ko nga alam kung paano iyon gagawin at diba nakakahiya kung makita niya ang buong katawan ko!? At saka nakakahiya din kung makita ko ang sa kaniya! Paano iyon?

“Oh my god! Are you serious?” ani Chelsie na tinangoan ko. Hindi ko talaga alam kung ilang pagtanggi pa ang sasabihin ko sa kanila. Ayaw ko na gawin iyon, nakakahiya talaga. Iniisip ko pa lang na gawin namin iyon ni Yosef ay nahihiya na ako paano pa kaya kung naging totoo?

Agad akong napailing sa mga naiisip ko. Hindi ko iyon gagawin. Hindi namin iyon gagawin ni Yosef. Nakakahiya talaga.

“Alam mo ganiyan din ako nun pero hindi iyon maiiwasan lalo na kung kayong dalawa lang sa isang kwarto!” sabi pa ni Naih.

Akala ko ay matatapos na kami sa topic na ito pero mukhang nagsisimula pa lang ata ang mga babae. Hindi ko na alam kung masasabayan ko pa ba sila. Hindi ko na nga sila masabayan kanina eh, ngayon pa kaya. Ang tagal naman kasing dumating ng mga sundo namin, kung ano-ano na tuloy ang pinagsasabi nitong mga girls sa akin.

“Oo nga Sienna. Ganiyan din ako dati eh pero keri lang naman,” ani ng pinsan ko. Medyo nagulat pa ako sa sinabi niya. Nahahawa na ang pinsan ko sa kanila. Si Venn naman ay tahimik lang at natatawa pa sa amin. Mukhang may sasabihin din pero hindi naman nagsasalita.

“See? May protection naman,” sabi pa ni Chelsie sa akin. Napailing na lang ako sa kanila.

Dati ay wala akong kaalam-alam sa mga ganiyan. Hindi ko nga din alam iyong mga tungkol sa mga lalaki. Iyong pagiging babaero at mahilig nila sa mga babae na easy to get. Hindi nga kasi ako madalas na nasa labas dahil mahigpit sila mom sa akin pero dahil sa pinsan ko may mga nalaman ako tungkol sa mga lalaki. Kwento kasi nang kwento sa akin si Aria kaya nga nalaman ko din iyon. Panay pa ang punta niya sa mga bar kaya ganun na lang din ang kagustuhan ko na sumama sa kaniya.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon