Kabanata 10

308 10 1
                                    

“Para kanino ‘yan?” Napatingin ako kay mommy nang tanongin niya ako. Nagbabake ako ng cupcakes for Yosef. Hindi ko alam kung magugustuhan niya ‘to pero sana ay magustuhan niya.

“Para kay Aria po, kakainin namin,” sabi ko kay mommy.

Sorry mom! Hindi ko po gusto na mag sinungaling.

Hindi ko naman pwedeng sabihin kay mommy na para nga kay Yosef ito baka pagalitan na naman niya ako.

“Okay. Aalis ako ngayon, meeting with the client,” ani mommy sa akin. Napatango ako doon at humalik sa kaniyang pisngi. Akala ko aalis na si mommy pero tiningnan niya pa ako sa ginagawa ko. Umalis din agad siya nang mapansing abala naman ako.

Sana lang ay magustuhan ito ni Yosef. Wala namang okasiyon pero gusto ko lang na magbigay ng ganito sa kaniya. Nang matapos ako ay inayos ko na iyon. Iningatan ko pa habang naglalakad at makapasok sa kotse.

I only have two classes today. Mamaya ko na sa lunch ibibigay ito. Nang makarating sa UOC ay nakita ko agad ang ilang mga studyanteng nagmamadali. Baka huli na sila? Mabuti na lang at maya-maya pa ang klase ko. Hindi din naman major ang subject ko ngayon kaya hindi ako kinakabahan.

Nakita ko agad sa gilid ng mata ko ang nakangiting si Aria sa akin. Sobrang saya ng mukha at agad na kumaway sa akin. Nakasuot din kasi ako ng salamin kaya nakita ko agad siya. Akala ko ay kasama niya si Caiden pero nakita kong siya lang naman mag-isa. Bakit kaya nakangiti siya ng ganito?

“Why are you smiling like that?” Tanong ko sa kaniya at medyo kumunot pa nang makitang namumula na siya ngayon. “And..you’re blushing,” sabi ko pa.

Nanlaki ang kaniyang mata at agad na hinawakan ang magkabilang pisngi.

“Am I?” She asked. I nodded at her. What’s with my cousin?

Hindi na ako nagtanong pa dahil mukhang dahil iyon kay Caiden. Kailangan ko nang masanay sa mga ganito ni Aria. Hindi na naman iba ito sa akin. Kumunot ang kaniyang noo nang makita ang dala-dala ko. Hindi nga pa pala niya alam ang tungkol sa pagbake ko ng cupcakes kay Yosef. Ano kayang magiging reaksiyon ng pinsan ko dito?

“What’s that?” Tanong niya.

“Cupcakes for Yosef,” sabi ko sa kaniya. I saw how her mouth formed into an ‘O’ looks like she still into process.

“Grabe girl!” aniya. Hindi pa alam kung ano nga ba ang sasabihin sa akin. Ngumiti na lang ako sa kaniya at sabay na nga kaming naglakad papunta sa kaniya-kaniya naming mga room.

“What’s with the cupcakes?” Kunot noong tanong sa akin ni Gracel nang makapasok ako sa room. Wala lang prof. pero marami na ang nasa loob.

Hindi ko siya pinansin at naupo na lang. Nakita ko kung paano siya nainis sa sinabi ko. Parang gusto niya akong saktan ano mang oras ngayon.

“Wala ka pa ding pinagbago Sienna. Wala pa ding alam,” aniya at umiling.

What is she trying to say? Anong walang alam?

“Is that for Yosef?” Tanong niya ulit sa akin. Hindi na lang ulit ako umimik. Bahala nga siya diyan, magsalita nang magsalita hanggang sa mapagod na siya.

“Kung ako sa ‘yo, itigil mo na lang ‘yan. Napakadisperada mo. May fiance na ‘yung tao eh,” dagdag niya pa.

Nasaktan ako doon sa huli niyang sinabi. Paano niya nasasabi sa akin iyon. Narinig ko pa ang pagtawa niya nang makita ang reaksiyon ko doon sa huli niyang sinabi. Tumingin pa ako sa kaniya pero hindi ko nagawang magsalita at saktong dumating din ang prof. namin.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon