Kabanata 17

311 11 3
                                    

Mahirap ang mga sumunod na buwan sa akin. 4th year na kami at ilang buwan na lang din ay gagraduate na nga kami. We celebrated our 2nd anniversary last month. Hindi ko akalain na aabot pala kami ni Yosef. Hindi naman kami madalas mag-away pero minsan ay may mga napagaawayan kami.

Hindi pa din alam ni dad ang tungkol sa amin. Mabuti nga at hindi din nadudulas si mommy kay daddy. Kinakabahan lang talaga ako sa tuwing magkikita kami ni daddy.

“May dumi ba ako sa mukha?” Tanong sa akin ni Aria. Dahil sa pag-iisip ko ay napatagal na ang pagtingin ko sa pinsan ko.

“Wala,” sabi ko sa kaniya.

“Ano na namang iniisip mo?” Tanong niya sa akin.

“About dad,” saad ko sa kaniya. Napatango siya sa sinabi ko.

“Okay lang ‘yan, I know naman na tatanggapin din ‘yan ni tito,” aniya. Hindi ko pa nga alam kung paano sabihin kay daddy. Sana nga ay maintindihan niya.

Ilang buwan na lang din naman at gagraduate na ako. Masasabi ko na kay dad. Isa pa, napag-uusapan na din namin ni Yosef ang tungkol sa paglipat sa isang condo unit. Gusto kasi namin na sa isang bahay na lang kami. Sasabihin ko pa iyon kay mommy at kay daddy. Kaya sana ay masabi ko na din kay daddy na may boyfriend na ako para maging maayos na ang lahat.

“Hi girls!” Napatingin kami sa nagsalita. Nakita namin sila Caiden na nakangiti sa amin. Naupo siya sa tabi ng pinsan ko habang si Yosef ay naupo sa tabi ko. Ganun din sila Troy.

“I’m done with your powerpoint presentation baby,” ani Yosef sa akin.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nagpresenta kasi siya sa akin na siya na lang daw ang gagawa ng powerpoint ko since may reporting nga kami bukas. Akala ko talaga ay nagbibiro lang siya pero ngayon ay tapos na iyon.

“Omg! Thanks baby!” sabi ko sa kaniya. Narinig ko ang tikhim nila Caiden sa amin.

“You’re welcome baby,” ani Yosef sa akin. Niyakap ko pa siya at mabilis naman niya akong hinalikan sa labi.

Binigyan niya pa ako ng mga kailangan kong pag-aralan para sa reporting ko bukas. Sobrang saya ko tuloy at nakalimutan ko iyong mga iniisip ko kanina tungkol kay daddy. Saka ko na lang iisipin iyon. For now, kailangan kong magreview dahil may reporting ako bukas.

Nagkukwentohan pa kami sa cafeteria habang kumakain at maya-maya nga ay nagkayayaan na na umuwi. Syempre pumayag na din ako dahil magr-review pa ako. Isa pa, nasa bahay na sila dad. Baka magtaka siya kung gabi na naman akong umuwi ngayon. Si mommy na nga lang ang gumagawa ng paraan para makalabas ako ng gabi minsan.

“Ang bilis matapos ah. Kanina ko lang sinabi sa ‘yo eh,” sabi ko sa lalaki habang nagd-drive siya.

Ang bilis niya kasing natapos ang powerpoint presentation ko. Siguro kung ako ang gagawa ay baka ginabi na ako nito. Lalo na kapag medyo tinatamad pa ako pero iba kasi si Yosef parang ganado naman siya sa lahat.

“I just did my best,” aniya. Napailing na lang ako habang nakangiti.

Mabilis din naman kaming nakarating sa bahay. Sa loob ng sasakyan ko na lang siya hinalikan dahil baka nasa labas si dad at naghihintay sa akin.

“I’ll text you,” aniya. Tumango ako sa kaniya at kumaway na.

Nang makapasok sa bahay ay wala sila dad sa sala. Mabuti na lang, siguro ay nasa office nila sa taas. Dali-dali naman akong umakyat sa kwarto ko para makapagbihis at para makapagreview na din ako sa report ko para bukas. Kumuha pa ako ng snacks sa mini ref ko pero parang mas gusto ko ang mcdo, kaya lang nakakapagod namang bumili ngayon. Tinatamad ako.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon