Kabanata 16

315 11 0
                                    

Warning: Spg (Read at your own risk.)

“Wow congrats mahal!” bati ko sa boyfriend ko.

Nanalo siya sa sinalihan nila ni Caelus na drag race. Si Caelus naman ay 1st place. Niyakap ako ng lalaki at niyakap ko din siya. Nagpicture pa kaming lahat at kami ding dalawa.

“Thank you baby,” he whispered.

High blood pa sila Aria dahil may ilang mga babae ang nagpapapansin kila Yosef. Hindi na lang namin iyon pinansin at sila Aria nga ay mukhang mananakit na sa inis.

Nagcelebrate kami at agad na dumiritso sa mall. Bumili ako ng regalo kay lola. I even bake her a cake so that, she can taste my work. I hope she will like it.

Pag-uwi ko sa bahay ay sobra namang tahimik. Si daddy ay wala at naabotan ko na lang si mommy sa sala na nanonood ng TV.

“Hi mom!” I greeted her. She smiled at me. Kumain na din kami ng dinner ni mommy pero kunti lang ang kinain ko dahil busog pa naman ako. Kumain din kami kanina nila Yosef.

Nagpaalam na din naman ako kay mommy na pupunta kami bukas sa Boracay dahil nga birthday ni lola Jimena.

“Take care baby,” ani mommy sa akin. Nasa labas na sila Yosef at sabay na nga kaming lumabas ni mommy.

“Hi tita!” Bati ng mga kasama ko. My mom smiled at them too. Kumaway pa siya.

“Yosef, take cake of my daughter,” paalala ni mommy sa lalaki.

“Patay,” rinig kong sabi ni Troy.

“Yes tita,” ani Yosef. Kumaway na kami kay mommy at pumasok na ako sa sasakyan.

Hindi ko na alam ang nangyari dahil nagising na lang ako na nasa Boracay na kami. Wala la ding pinagbago ang Boracay. Parang gusto ko na lang tuloy na maligo agad.

Sinalubong agad kami nila lola na tuwang-tuwa sa amin. Kinuha ko na ang regalo at inabot kay lola. Niyakap niya kami at naghanap na kami ng pwesto namin.

Sobrang dami ng tao. Hindi na ako nagulat. Mayaman nga pala ang mga Salazar. Napailing na lang ako at mas lumapit kay Yosef. Sila Naih ay umiinom na ngayon. Nagsalin na din si Chelsie ng tequila sa akin, nilagyan niya pa iyon ng lemon.

Ininom ko din naman agad iyon na hindi kinakain iyong lemon. Medyo nagulat pa si Chelsie sa akin dahil hindi ko kinagatan iyong lemon.

“Wow bebe girl!” ani Chelsie sa akin.

“Si Aria nagturo sa ‘yo niyan no?” Tanong ni Naih. Kumunot tuloy ang noo ng pinsan ko.

“Hoy! Anong ako? Bakit ako nadadamay diyan?” ani Aria at kinunotan kami ng noo.

Nagsimula na kaming kumain habang umiinom. Medyo namumula na nga ang mga mukha nila Naih dahil sa alak. Kanina pa sila sayaw nang sayaw at paikot-ikot. Malamang malalasing agad sila sa ginagawa nila.

Napailing na lang ako habang nakatingin sa mga kaibigan. Naramdaman ko ang kamay ni Yosef sa bewang ko at napatingin ako sa kaniya. Namumula na din ang kaniyang tenga. Black label kasi ang iniinom niya. Masyadong matapang.

Unexpected (Salazar Series #5) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon