Prologue

205 28 15
                                    

Prologue


"Because of your performance in the hospital, they chose to offer you— to continue your residency in London, Dr. Villamor." Dr. Alvarez informed me.


I'm an intern last year in a psychiatry hospital. And today is my first week of my second year residency. Well, supposed to be.


Dr. Alvarez is my senior. Pagkatapos ng rounds ko kanina ay pinatawag niya ako dito sa office niya. Kala ko kanina ay papagalitan ako kaya binalot ng kaba ang katawan ko.


I want to scream and jump because of the news I just heard. Damn! Napangiti ako at sasagot na sana ng bigla siyang magsalita ulit.


"If you won't accept it, of course it would be offered to other residents. It's a great opportunity for you." he said, trying to convince me.


But I am. I am convinced. But then I remembered something— someone. Sa dinami-dami ng rehiyon sa United Kingdom ay sa London pa talaga. Hindi ba pwedeng mamili ng place!? Chos. Choosy pa ba 'ko?


I gave him a small smile. "Can I give you my answer tomorrow, Doc?" I nervously asked.


I can't just agree now. Ang dami ko pang kailangan i-consider para dito. Pagkatapos ng shift ko ay umuwi na agad ako at tinawagan ang dalawa kong kaibigan dahil kailangan ko ng makakausap tungkol doon.


Matino naman sila kausap kahit papa'no kaya pwede na.


I drove to my condo, mas malapit kasi dito ang hospital kaya dito na ako nag-stay. Minsan kapag may oras pa ako ay umuuwi ako sa bahay. Bahay, namin kung saan ako nakatira nung bata pa ako.


The mansion was still the same. Wala naman masyadong pinagbago simula dati. It's a modern type of mansion. I badly want it to look the same as much as possible.


The memories made in that house are priceless... I think?


"Natasha!"


Nakaupo ako sa sofa at nanonood sa tv ng marinig ko ang sigaw ni Jade at sabay sabay na doorbell. Kulang na lang bulabugin niya ko dito sa bahay, lintek. Bakit ko ba 'to kaibigan. Nakakahiya sa mga tao sa building.


Tumayo ako para pagbuksan sila ng pinto. Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako ng kasama niya si Reece. Kaibigan ko silang dalawa simula high school— junior high to be exact.


"Oh, kala ko may agenda ka?" bungad ko kay Reece.


Tumawa lang siya at hindi pa rin tinigilan ang pag-do-doorbell. Gaga talaga.


"Pasok na dali, hangga't kaibigan pa ang turing ko sa inyo." I joked.


Jade rolled her eyes, jokingly. May dala silang beer at mga chips kaya napailing na lang ako. Mukhang malabong uuwi 'tong dalawang 'to ngayong gabi.

Identifying Our Trope (Metanoia Series #1)Where stories live. Discover now