13

65 10 0
                                    

Chapter 13


Kinabukasan pagpasok ko sa school ay nakita kong nag uusap si Lucas at Zia sa dulo ng hallway. Magkaharap sila kaya nakita ko sila. Zia was playfully smiling. Dahil doon ay nakaramdam ako ng inis. Nagkatinginan kami ni Lucas kaya napalingon rin sa akin si Zia.


Umakto lang ako na naglalakad at pumasok na sa room ng walang reaction. Pagpasok ko ay niyakap agad ako Gwen. Absent kasi siya ng tatlong araw.


"Na miss kita," she said.


"Di kita na miss," pang-babara ko.


"Edi wow, palibhasa may Nate ka na." she sneered.


I scoffed, "Sa akin ba? Tanong mo kay Zia." I said with full of bitterness kaya nagulat siya sa akin.


"Gago? You saw it rin? Kanina pa sila nag-uusap bago pa ako dumating nandon na sila." sabi niya dahilan para mapairap ako.


"Anong pake ko, edi magsama sila."


Ang aga aga nababadtrip agad ako.


Humagikgik si Gwen, "Jelly, jelly yarn. Don't worry, hindi niya gusto yon. Don't conclude, teh."


Hindi na ako nagsalita at umupo na lang sa upuan ko doon sa likod. Hindi naman nag tagal ay pumasok na rin silang dalawa. Nang nagkatinginan kami ni Zia ay nginitian niya ako.


Ang peke amputa.


"Morning," sabi ni Lucas ng makaupo siya sa tabi ko.


"Walang good sa morning," tugon ko ng hindi tumitingin sa kanya.


"What happened?" he asked.


"Wala," sagot ko.


Nagtanong lang pa siya pero umakto na lang ako ng wala akong naririnig. Buong klase ay wala akong kibo sa kanya, nung nag-uwian naman ay hindi na ako nagsalita nang lumapit si Zia sa kanya.


Wow ah, parang kasama ko lang siya kahapon tapos ganyan na?


Ni hindi ko nga sila tinignan at dire-diretso na lumabas ng classroom. Umakyat ako hanggang 6th floor para umakyat papunta sa rooftop ng school.


Nilapag ko ang bag sa isang gilid. I ran towards the middle stop in the place, then I slowly spread both of my arms open then closed my eyes, welcoming the cold breeze.


Nang tumigil ang hangin ay dumilat na ko at naglakad papunta sa railings. Nasa bandang likod ng school ang view kaya wala naman makakakita sa akin dito mula sa baba.


Nagvibrate ang phone ko mula sa bulsa ng pants ko. Naka pang-PE kasi dahil thursday ang PE namin. Kinuha ko ang phone at tinignan iyon.

Identifying Our Trope (Metanoia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon