08

70 12 6
                                    

Chapter 8


Song: 8 Letters by Why Don't We


"Magkagalit ba kayo ni Nathan? Ilang linggo na kayong hindi nag-uusap ah." sabi ni Reece habang naglalakad kami papuntang concessionaire.


I shook my head, "We're civil? Di naman required mag-usap." sagot ko.


"So magkagalit nga kayo?" she asked again.


"Hindi," sagot ko.


Hindi naman kami magkagalit. Ang last na usapan namin nung nasa library pa kami. Nung tuesday pa, thursday na ngayon. Ilang araw na rin pala.


Jade scoffed, "Ang down nyo kasi for the past few days, wala kayong imikan. Actually, nung nagsimula quarter 2 parang ganyan na kayong dalawa." sabi pa niya. "Don't you guys usually hang out after class?" she asked.


I shook my head immediately, "Hindi, siguro nung quarter 1. Pero ngayon hindi. Down lang siguro siya kasi sabi ni Xyrus di raw siya pinapansin ng crush niya. Ewan ko kay Xyrus kayo magtanong."


They both looked at each other with their brows furrowed, like they were thinking about the same thing.


"Gago pre, ano nangyari sayo? Bakit ka ganyan?" sabi ni Reece habang mahinang tinatapik-tapik ang pisngi ko, kulang na nga lang lakasan niya.


Confusion filled me, "Bakit ba?"


"Ash, please lang. You and Nate really need to talk to each other. My goodness, kaya naman pala." sabi ni Jade na mukhang sobrang naiistress.


"Ayoko nga, tsaka sabi niya dumidistansya raw sa kanya crush niya baka mas lalong dumistansya sa kanya yon kapag nakita siyang may kasamang ibang babae." pagdadahilan ko pa.


They dramatically cried, "Please, Ash? Naiiyak na kami sayo." pangungulit pa nila.


"Oo na nga, mamaya. Bahala na si Batman."


Wala naman akong magagawa dahil ang kukulit nila. Buti na lang tumigil na sila nang umoo ako. Pagkatapos namin kumain ay tinawag na agad ako ni Jake dahil i-co-compile na namin ang mga nakuha naming impormasyon noong tuesday.


"Manghiram pa kaya tayo ng chromebook?" tanong ko sa kanila. "Para mabilis matapos." marami rin kasing kailangan kaya tumayo ako para magtanong sa facilitator namin.


"Sir, can we borrow another Chromebook from the faculty?" I asked.


"Ask your classmates if they need a backup chromebook. Then you may get the Chromebook from the faculty. Just ask someone to accompany you." he said.


Tumango na lang ako at bumalik sa table namin.


"Jake, pre, patulong. Kukuha raw tayo ng chromebook sa faculty. Tanungin rin raw yung iba kung kailangan nila para isahan na lang." sabi ko.

Identifying Our Trope (Metanoia Series #1)Where stories live. Discover now