Chapter 1

28.5K 447 143
                                    

"Calynn, ang laki rito!"

Sigaw ko sa bestfriend ko habang nandito kami sa tapat ng school namin ngayong college, sa Numero Alpha University. First day ngayon at sobrang excited ako dahil simula na ng college life ko. Dito rin mag-aaral 'yung apat na kaibigan ko noong high school kaya mas masaya! Humiwalay kasi 'yung tatlo sa amin ng bestfriend ko na si Calynn noong Senior High School.

"Yeah, I agree." sagot naman niya.

"May klase na kaya?" tanong ko habang naglalakad kami papasok ng gate.

"I don't think so."

Tama si Calynn, walang klase. Wala pang mga teachers. Tinext ko si Calynn na magkita kami sa bleachers para makapagkwentuhan na lang. Ang sabi niya ay magbabasa pa siya pero pinilit ko siya. First day na firsy day, magbabasa? Tsk!

"Lian!" sigaw ni Calynn nang makita ako na nakaupo na sa upuan sa bleachers.

"Basa-basa ka pa, ang plastik mo, oy!" pabiro ko siyang hinampas sa braso habang paupo siya sa tabi ko. Inirapan niya naman ako. Malapit ko na talaga dukutin 'yung mata nito kakairap. "Sino 'yon?" tanong ko sa kaniya nang may makita akong gwapo.

"How would I know? Kakapasok ko lang din dito." sabi niya at inirapan ako. Minsan ang sarap na lang niyang batukan.

"Ang gwapo, Calynn!" impit na sigaw ko habang nakatingin doon sa gwapo na naglalakad.

"What?" sabi niya at lumingon sa akin.

"Ayon oh, gwapo!" tinuro ko 'yung isang lalaki na gwapo. Matangkad siya, medyo moreno pero malakas 'yung dating. Mga nasa 5'11 'yung height. Nakauniform din siya pero hindi ko alam kung anong department ba 'yon.

"Not my type." sagot naman niya pagtapos makita. Ang alam ko kasi ang gusto niya ay mestizo.

"Talagang hindi! Akin na 'yon, eh."

"Let's go to the coffee shop? Mayroon daw coffee shop malapit diyan sa labas." aya sa akin ni Calynn.

"Sige lang." I said then we began walking. "Aray!" nagulat ako nang may bigla akong nakabanggang lalaki nang malapit na kami sa gate.

"Sorry, Miss." tipid na sagot niya sa akin.

Halos malaglag 'yung panga ko dahil siya rin 'yung gwapong lalaki na nakita ko kanina. Nakatulala lang ako habang pinapanood siyang maglakad papalayo.

"Lian!" tinawag ako ni Calynn kaya natauhan ako, pakiramdam ko ay pumakat 'yung mata ko sa gwapo na 'yon.

"Ang gwapo." halos himatayin kong sabi.

"Let's go." aya niya at hindi pinansin 'yung kilig ko!

Nang makarating kami sa coffee shop ay hinihintay lang namin sina Addie. Umorder na rin kami kaagad dahil nagugutom na raw si Calynn.

"Ano sa 'yo? Oorder na ako." tanong ko sa kaniya.

"Coffee frappe and Blueberry cheesecake." sagot niya sa akin at inabot 'yung bayad niya. "Thank you," nagbeautiful eyes pa.

Habang umoorder ako ay iniisip ko lang 'yung gwapo kanina. Ang swerte ko naman, first day pa lang, may crush na ako. Ano kayang pangalan niya? Ano kayang department niya? Ka-batch kaya namin siya?

"Oh!" nilapag ko 'yung order ni Calynn sa table at umupo na ako sa tapat niya. Hinintay ko na rin kasi sa counter kanina. Naisipan ko pa nga siyang asarin dahil nag-a-attitude na naman.

"Lian, ano ba?!" hinampas niya ako sa braso at tatawa-tawa lang ako. Naisipan ko kasi ilagay 'yung first name niya dahil ayaw niya raw 'yon.

"Ano?" natatawa kong tanong.

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon