Chapter 4

11.8K 337 62
                                    

"Ganoon ba? Sige."

Tipid akong ngumiti sa kaniya bago ko siya talikuran. Kinuha ko na 'yung gamit ko sa upuan at nagmamadali akong lumabas dahil sa hiya. Umupo ako sa bench dito sa school kahit gabi na at wala akong kasama, pinatong ko 'yung cupcake sa table. Nakatingin lang ako sa cupcake ko at hindi ko namalayang unti-unti na palang may luhang tumulo sa akin. I'm such a cry-baby. Hindi na nakakatuwa!

"Lian, is that you?" nagulat ako at lumingon ako sa nagsalita. Pagkakita ko ay si Calynn.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong ko sabay punas ng luha ko.

Umupo siya sa tapat ko. "May exam kami bukas, eh. Nagreview ako sa coffee shop tapos may nakalimutan ako sa room, titignan ko sana kung bukas pa." pagpapaliwanag niya. "Bakit nandito ka pa?"

"Kakatapos lang ng practice." tipid akong ngumiti. Napatingin siya sa cupcake na nasa ibabaw ng table.

"What is that?" pagtatanong niya na may halong galit. "He didn't accept it, did he?" tanong niya na galit pa rin 'yung tono.

"Kasalanan ko naman." tumulo 'yung luha ko pero pinunasan ko rin kaagad. "Choice ko naman, wala naman siyang obligasyon tanggapin." malungkot akong ngumiti sa kaniya.

Lumipat siya sa tabi ko. "Stop it, it's okay. Naexcite ka lang." malumanay na sabi niya habang hinahaplos 'yung likod ko.

"That asshole!" halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang sumigaw siya at hinampas 'yung lamesa.

"Ginulat mo naman ako!" tatawa-tawa kong sabi habang may luha sa mata ko.

Wow, galing magpanggap!

"The nerve? Tanggihan ba naman 'yung cupcake mo? Ang sarap kaya niyan!" pasigaw niyang sabi at tinuturo-turo pa 'yung box ng cupcake.

"Don't worry. Ako, hindi ko 'yan tatanggihan." ngumiti siya sa akin at binuksan 'yung box. Kumuha siya ng isa. "Here," nilapit niya sa bibig ko na parang sinusubuan ako. Natatawa naman akong kumagat doon. Kumuha pa siya ng isa at kinagatan naman niya.

"This is going to be my comfort food." kumagat siya at napapapikit pa sa sarap. Bolera!

"Bola," napairap ako sa kaniya.

"What? Me?" nakahawak pa siya sa dibdib niya. Napaka OA! "I'm just honest, duh!" she went back to her seat. "Ang stupid naman ni Drew." dagdag pa niya bago kumagat ulit.

I smiled... at least, I got Calynn with me.

-

Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Drew ngayon, nahihiya ako sa ginawa ko. Bumuntong hininga muna ako bago pumasok sa room.

"Lian," bati kaagad nina Christy. "Ang sarap ng cupcake mo, sobra!" sigaw pa niya. Napatingin ako kay Drew at nakita kong napatingin din siya, nag-iwas kaagad ako ng tingin.

"Game, position guys! 4 days na lang!" pumalakpak pa si Drew nang tawagin kami. "Isang markings tapos dalawang doings." sabi niya sa amin.

Noong part na namin ay parang ayaw ko nang tumuloy. Hinawakan niya 'yung kanang kamay ko at itanaas para unti-unti akong makaikot sa kaniya. Nang nasa harap na ako ay humarap ako sa kaniya.

"Where is the love, the love, the love."

Bumuntong hininga ako bago kuhanin 'yung kamay ko pero parang ayaw niyang bitawan. Anong trip niya?

"Drew 'yung..." hindi ako makapagsalita at tinuro na lang 'yung kamay ko na hawak pa rin niya.

"Lian tungkol sa─" hindi ko na siya pinatapos dahil nagsalita na ako kaagad.

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon