Chapter 5

13.2K 335 207
                                    

"Huh?"

Nakakunot 'yung noo ko habang nakatingin kay Drew. Isasayaw niya raw ako? Parang nawala lahat 'yung galit ko nang ngumiti siya sa akin. Malapit na yata akong himatayin sa paraan ng pagtitig niya. Nakatitig lang ako sa kaniya at inaappreciate 'yung itsura niya ngayong gabi. Sobrang gwapo at linis niyang tignan. Nakakalimutan ko tuloy 'yung galit ko.

"Aren't you going to ask for my permission first?" malditang tanong ni Calynn kay Drew habang nakataas 'yung isang kilay.

"Calynn, okay lang." tipid akong ngumiti sa kaniya. Inabot ko 'yung kamay ni Drew. Nakita kong masama 'yung tingin ni Calynn, I just gave her an apologetic look.

Inaalalayan ako ni Drew hanggang makarating kami sa medyo gitna. Nang huminto kami, inilagay niya 'yung kamay niya sa baywang ko at inilagay ko naman 'yung kamay ko sa balikat niya.

"Bakit?" tanong ko agad sa kaniya.

"Gusto lang kitang isayaw." ngumiti siya sa akin. Napatingin kami sa stage nang biglang nawalan ng tugtog pero nagkaroon din naman kaagad.

"When I see your smile... Tears run down my face... I can't replace." the music plays.

"Pasensiya ka na sa bestfriend ko, ah." nahihiya akong ngumiti sa kaniya.

"Okay lang." ngumiti rin siya. "Pasensiya na rin sa cupcake." dagdag niya.

"Huh?" I faked a laugh dahil nahihiya pa rin ako kapag naaalala ko. "Wala na 'yon kalimutan mo na." ngumiti na lang ako sa kaniya.

"I will never let you fall... I'll stand up with you forever." pagpapatuloy ng kanta. Hindi na kami nagsalita at inenjoy na lang namin 'yung tugtog. "I'll be there for you through it all... Even if saving you sends me to heaven."

"Picture!" napalingon kami sa biglang sumigaw, si Addie. Kasama niya si Nat at Elly. Ngumiti naman kami ni Drew dahil nakatapat na sa amin 'yung phone niya.

"Hoy, gago! Si Calynn sino kasama?" nag-aalalang tanong ni Nat. Oo nga pala! Naiwan ko ang baby girl!

"Siraulo ka, iniwan mo?" tanong ni Elly at nagmamadaling bumalik sa pwesto namin kanina.

"Drew, alis na ako, ah." ngumiti ako nang tipid. Tumango siya kaya umalis na ako.

"Sorry, Calynn." bungad ko nang makarating ako sa upuan namin. Katabi na niya si Nat at Addie, katabi naman ni Addie si Elly. Nakacross legs lang siya at nakatingin sa akin.

"It's okay." tipid na ngumiti lang siya. Nakonsensiya naman ako.

"Thank you and we hope you enjoy the party. Goodnight!" sabi ng emcee nang matapos na 'yung party.

"Samin tayo tulog?" tanong ni Calynn.

"Pwede ba?" nag-papacute kong tanong. Naiwan ko kasi siya, baka nagtatampo siya sa akin.

"Syempre," ngumiti siya na parang sinisiguradong okay lang talaga. Napangiti rin tuloy ako.

Pero nawala bigla 'yung ngiti niya nang may magsalita sa gilid ko.

"Sabay-sabay na tayo?" tanong ni Drew. Kitang-kita ko kung paano tumaas 'yung kilay nitong si Calynn.

"No." maikling sagot niya.

Nilingon ko si Drew. "Wag na, Drew. Okay lang kami." tipid akong ngumiti.

"Drew, can I talk to you?" nagulat ako sa sinabi ni Calynn. Tumango si Drew pagkatapos ay umalis na sila. Mga ilang minuto pa akong naghihintay. Pinapanood ko lang sila pero parang kalmado naman sila parehas.

"Let's go, Lian?" nakangiting aya sa akin ni Calynn pagbalik nila. Naguluhan naman tuloy ako.

"Ingat," tipid na ngumiti sa amin si Drew.

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon