Chapter 30

9.6K 182 66
                                    

"Babe, si Mama."

Bigla akong nanghina at napaupo sa kinatatayuan ko, nagmamadaling lumapit sa akin si Drew para itayo ako. Napatakip ako sa bibig ko at nagsimulang umiyak. Tama ba 'yung rinig ko? Nasa ospital si Mama?

"Anong nangyari?" tanong niya nang mai-upo niya ako sa couch.

"Si Mama, punta tayong Muñoz, nasa ospital si Mama." humihikbing sagot ko kay Drew. Tumango-tango si Drew at inalalayan ako papunta sa kwarto para makapagbihis.

"Babe," inabot sa akin ni Drew 'yung damit pero nakatulala lang ako at iyak nang iyak. Hinubad na niya 'yung damit ko at binihisan ako. Nagmamadali rin siyang magbihis pagkatapos ay hinatak na niya ako papunta sa kotse.

"Si Mama," umiiyak lang ako sa sasakyan.

"Kumalma ka, please." natataranta na rin si Drew habang nagda-drive.

Walang ibang ginawa si Drew kung hindi bumusina sa mga mababagal na sasakyan, sobrang bilis din niyang mag-drive, sa buong pagkakakilala ko sa kaniya ay ngayon lang siya nagdrive nang ganito kabilis.

Nakadukmo lang ako sa harap buong byahe, iyak lang ako nang iyak. Hinahaplos pa ni Drew 'yung likod ko gamit 'yung kanan niyang kamay. Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako.

"Babe," tinatapik-tapik ako ni Drew kaya nagising ako. "Nandito na tayo."

Nagmulat ako ng mata at mabilis na lumabas ng sasakyan. Nagpunta kaagad ako sa nurse station.

"Faith Bernardo." natataranta kong tanong sa nurse.

"Kaano-ano po?" tanong niya.

"Anak niya ako." nagpunas ako ng luha ko.

"Nasa operating room na po siya. Pakihintay na lang po si Doc."

Napatingin ako sa doctor na lumapit sa amin. Tinuro kami sa kaniya ng nurse. "Kayo po ba 'yung kamag-anak?" tanong ng Doctor.

"Opo, opo." nakaakbay lang sa akin si Drew habang hinahaplos 'yung braso ko. "Ano pong nangyari?" tuloy-tuloy lang 'yung luha ko kahit pinipilit kong kumalma.

"Naaksidente 'yung van na sinasakyan nila, hindi lang si Mrs. Bernardo 'yung naaksidente but unfortunately, siya 'yung napuruhan dahil sa harapan siya nakaupo, sa tabi ng driver." panimula noong doctor.

"Kumusta po siya, magiging okay po ba?"

"She is suffering from a traumatic brain injury caused by a whiplash. We already conducted a CT Scan dahil siya lang 'yung nawalan ng malay. It showed that he had an Acute Subdural Hematoma meaning in between her brain and the covering of her brain, there's a vein na pumutok and it's now bleeding profusely."

"Ano pong pwedeng gawin?" tanong ni Drew dahil hindi na ako nakapagsalita.

"Kailangan namin siyang operahan to stop the bleeding but it is a very costly operation."

"Operahan niyo po," sagot ko. "Gawin niyo po ang lahat, Doc."

"Hindi 100% ang successful rate ng operation, it can be successful or not but we will do our best."

Napatakip ako sa bibig ko at walang tigil na umiyak. Inakay ako ni Drew sa isang upuan at doon ako pinaupo.

"Sshh, magiging okay rin siya." bulong ni Drew habang nakaakbay sa akin. Nakasandal lang ako sa kaniya habang umiiyak.

Hinintay namin matapos 'yung operation ni Mama, walang tigil lang ako umiiyak.

"Kumain ka muna," inabutan ako ni Drew ng pagkain pero tinignan ko lang 'yon. "Tubig, tubig na lang, babe. Sige na, please."

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon