Chapter 44

12K 268 50
                                    

"Behave ka roon, ah!"

Nandito na kami sa bake shop at hinatid na ako ni Drew. Sa bahay niya na ako natutulog dahil gusto raw niya akong katabi palagi. Simula noong bumalik kami mula sa Muñoz ay mas naging okay na 'yung lahat. Ang sabi ko sa kaniya ay samahan niya akong magbukas ng bagong bake shop ko sa Laguna. May pinaayos pa pala 'yung may-ari kaya natagalan. Ang sabi ko ay pagkatapos na lang ng kasal nina Calynn.

"Takot ko lang sa 'yo," natawa pa siya nang bahagya bago ako halikan sa pisngi.

"Sige, see you tomorrow." inayos ko na 'yung bag ko at lumabas na ng kotse niya. May surprise kasi kami kay Calynn mamaya para sa bridal shower niya.

"Hello, Nat." tinawagan ko na kaagad si Nat pagdating ko ng office ko.

(Oh, ano na naman?!)

"Gabi pa kami pupunta ni Calynn sa condo nila. Hapon pa lang mag-ayos na kayo, ah." umupo na ako sa upuan ko.

(Yes, madam. Nakalibre ka sa pag-aayos, ah. Daya mo!)

"Sige, kayo mag-entertainment kay Calynn!" I chuckled.

(Che, bye na!)

Natawa na lang ako. Ilang minuto lang ay dumating na si Calynn dito, mukha siyang papanawan ng hininga.

"Okay ka lang?" natatawa kong tanong pagpasok niya ng office ko.

"Samahan mo ako, please." hindi siya makagalaw at nandoon lang sa pinto kaya nilapitan ko siya.

"Okay ka lang ba?" hinaplos-haplos ko 'yung braso niya.

"I'll go to Steve's parents." hinawakan niya 'yung kamay ko. "Samahan mo ako, please."

We went to Steve's parents first before we went to cemetery to visit Ate, nagkita pa sila ni Steve.

Inaya ko lang si Calynn sa bake shop after, kinulit-kulit ko siya na magstay dahil sigurado akong nag-aayos pa lang sina Addie roon sa condo niya. Nagpaalam naman kami kay Steve kaya okay lang.

"Ako kaya, kailan kaya ako ikakasal?" nakapangalumbaba pa ako.

"Magboyfriend ka muna." she chucked.

"Hoy!" siniko ko siya. Feeling nito! May boyfriend kaya ako!

"Mamimiss kita." I said sincerely.

"Huh? Eh, wala namang magbabago."

"Syempre sinanay mo akong isang taon kang tambay rito sa bake shop ko."

Nagdramahan pa kami bago ko naisipan pumasok sa kitchen. Kailangan kong tawagan sina Nat. Mukhang nakakaramdam na si Calynn.

"Hello," bulong ko sa cellphone.

(Ano na naman?) tanong ni Nat.

"Bilisan niyo, nag-aaya na si Calynn."

(Sandali na lang. Addie, pababain mo sa upuan si Elly!) sumigaw pa si Nat kay Addie. (Sige na, abala ka, eh. Bye.) binaba na ni Nat 'yung phone. Sakto namang pumasok si Calynn sa pinto kaya mabilis akong nagpanggap na nagb'bake.

Ang sabi ko ay tuturuan ko siyang magbake. Kailangan naming mag-aksaya ng oras dahil ang bagal nina Nat. Mabuti na lang at pumayag. Medyo nagtataka pa noong sinabi kong sasama ako sa kaniya sa condo nila.

"Surprise!" sigaw nina Elly, Addie at Nat pagpasok namin ng condo nila.

"Hello?" lumabas ako ng condo nina Calynn habang nag-eenjoy sila roon. Tumawag sa akin si Drew at ang ingay roon sa loob.

(Miss na kita, alam mo ba 'yon?) biglang sabi sa akin ni Drew kaya napangiti ako.

"Miss din kita, walang babae riyan, 'di ba?"

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon