Chapter 22

8.1K 190 4
                                    

"Aalis ka?"

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig ko. Tama nga ba 'yung rinig ko? Aalis daw siya? Pupunta siya ng Spain, gaano siya katagal doon? Babalik pa ba siya? Iiwan niya ako rito?

Hinigpitan niya 'yung pagkakahawak sa likod ko kaya mas napalapit ako sa kaniya. "Ang sabi niya kasi, pagkatapos na pagkatapos daw ng board exam sumunod na ako." he chuckled. "Parang sure na sure siyang papasa ako, eh."

"Ako, sure." sagot ko.

Bumuntong hininga siya ulit. "Babe,"

"Gaano ka katagal doon?" ngumiti ako pero itong traydor na luha ko ay tumulo na naman. Malapit na siguro akong ma-dehydrate dahil sa sobrang pagiging iyakin ko.

"Babe naman," pinunasan niya 'yung luha ko. "Hindi pa ako umo-oo. Ang sabi ko pag-uusapan pa natin."

"Okay lang naman sa akin," ngumiti ako. "Babalikan mo naman ako, 'di ba?" sunod-sunod nang tumulo 'yung mga luha ko.

Niyakap niya ako. "Sshh, kilala kita, babe." I remained quiet, I just burried my face on his shoulder while sobbing. "Babe, paano akong aalis kung ganiyan ka?" he's caressing my back. I'm trying my best not to sob but I can't help it.

"Okay lang," I sobbed.

Hinarap niya ako sa kaniya. "Sabihin mo lang kung ayaw mo, tatanggihan ko."

"Okay lang sa akin, babe. Iiyak lang ako pero okay lang sa akin."

Niyakap niya pa ako ulit nang mahigpit. Nang medyo kumalma na ako ay tinawagan na namin si Tita Mara. Nakaupo lang kami sa couch at nakalapag 'yung laptop sa ibabaw ng center table.

(Congrats, Daniel!) bungad ni Tita Mara kay Drew. May hawak pa siyang wine, ang cool niya talaga.

"Thank you, Ma." sagot ni Drew.

(Hi, Lian.)

"Hello po," kumaway ako sa kaniya.

(Nag-usap na ba kayo ni Daniel?) nag-aalangan niyang tanong.

"Opo, tita." ngumiti ako. "Okay lang po sa akin."

"Sshh," inakbayan ako ni Drew. "Hindi pa ako nagdedesisyon, Ma. At saka, malay natin hindi ako pumasa sa board. Wag na munang pag-usapan 'yan."

(Balitaan niyo kaagad ako sa board exam, okay?) sabi ni Tita.

Nagkuwentuhan pa kami nang kaunti bago patayin 'yung tawag. Nang medyo gabi na ay lumabas na si Mama sa kwarto.

"Drew, congrats!" bati niya kay Drew. Lumapit sa kaniya si Drew at bumeso.

"Thank you po,"

"Pagluluto kita ng hipon." nginitian siya ni Mama.

"Thank you, Tita!" excited na sabi ni Drew dahil favorite niya 'yon.

-

Nagsimula na 'yung pagrereview niya kaya mas naging busy siya. Nagsimula na rin 'yung last year ko sa college.

"Hello!" bati ko pagbukas ko ng pinto, nandito ako sa bahay nila. Mukha siyang pagod na pagod.

Yumakap siya sa akin nang mga ilang segundo. "Kakapagod," bulong niya.

"Aw, kawawa naman ang boyfriend ko." hinila ko na siya papunta sa lamesa. "Ginawan kita ng cupcake."

Napangiti siya at umupo sa lamesa. "Nakakawala naman ng pagod." kumuha siya at kumagat na sa cupcake niya.

Hinila ko 'yung isang upuan para makatabi ako sa kaniya, umupo ako roon at sinandal 'yung ulo ko sa balikat niya. "Kinakabahan na ako." biglang sabi ko.

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon