Chapter 33

10.1K 215 65
                                    

Trigger Warning: Violence

"Wala namang klase, inom na lang tayo!"

Tuloy-tuloy pa rin akong lumalakad at hindi na pinansin itong si Mark. Ang kulit! First day na first day, eh!

"Aray!" sigaw ng babaeng nakabangga ko.

"Sorry, Miss." tipid akong sumagot kahit na nagandahan ko siya sa unang tingin. Mga nasa 5'3 yung height niya, sakto lang 'yung kulay ng kutis niya, black 'yung buhok at ang amo ng mukha.

"Ganda!" bulong nitong si Mark.

"Helen lang." sabi ko.

"Nag-ulit nga raw 'yon ng first year, eh." sabi ni Mark pero hindi ko na lang pinansin.

Pagpunta namin sa building namin ay wala namang klase, ilang minuto tuloy kaming tumambay sa labas.

"Kuya!" may tumatawag sa akin na hindi ko naman kilala. Kasama niya 'yung nakabangga ko. Hindi ko na lang pinansin dahil baka nangloloko lang.

"Ate, C2 nga."

Inabot sa akin ni Ateng nagtitinda iyong C2 ko. Maya-maya lang ay mayroon na ring bumibili ng C2 sa tabi ko. Nahulog pa nga niya kaya inabot ko.

"Kuya, akin yata 'yan." hinabol pa niya ako. Hindi ba niya nakitang kaliwang kamay ko 'yung pinangpulot ko ng C2 niya?

"Drew!" tawag sa akin ni Mark dito sa bleachers, akala mo ba palaging mawawala. Hindi ko maintindihan kung bakit nandito na naman 'yung babaeng nakasalubong ko at nalaglagan na naman siya ng gamit.

Nang kuhanin niya 'yung wallet niya ay kitang-kita kong tinigtignan niya 'yung ID ko. Napailing na lang ako.

"Daniel Andrew Mendez!" bigla siyang sumigaw. Hindi niya yata alam na nandito ako sa likuran niya. Nahahalata ko na siya pero ayaw ko namang mag-assume.

"May nakaupo?" tanong sa kanila. Napakasungit noong isang babae na kasama niya. Hindi ko naman maintindihan 'yung sarili ko kung bakit gusto ko na roon tumabi sa kanila. Hindi ko rin naman nagawa dahil hindi pumayag 'yung kasama niya.

"Ako na yata ang forever mo." napakacorny ng sinabi niya pero bakit para akong natutuwa? Nahahalata ko naman siya pero hindi ko ineexpect na ganito siya kaprangka.

"Brielle Liana Bernardo." makikipagkamay na sana ako pero dumating na 'yung grab ko. Iniwasan ko na lang siya dahil pakiramdam ko nagtataksil ako kay Helen kahit na ayaw niya naman sa akin.

Pag-uwi ko naman hindi ko napigilang hanapin siya sa social media. Nanginginig pa ako nang makita ko na @blianab pala 'yung username niya. Hindi ko siya finollow dahil baka makahalata masiyado.

Lian @blianab
If there's a whisk, there's a way.
65 Following - 1,282 Followers

Puro tungkol sa crush niya 'yung mga tweets niya. Madalas din siyang magtweet kaya pakiramdam ko ay mahilig siyang tumambay rito sa twitter.

Hindi ko alam kung bakit nacu-curious ako sa kaniya at pati sa instagram ay sinearch ko pa siya. Sana ganoon lang din 'yung username niya para hindi na ako mahirapan maghanap.

@blianab
10 posts - 7,832 followers - 152 following

Brielle Liana Bernardo
Dance your heart out!

So, dancer din pala siya? At saka ang kaunti lang ng mga posts niya. Pictures niya, picture noong babaeng masungit kasama niya at mga cupcakes.

Iyong display picture niya ay picture niya sa EK. Nakadenim jacket siya at parang sobrang saya niya. Nakapamewang pa 'yung dalawang kamay niya habang tumatawa. She looks so carefree. Ang cute niya!

Running After Your Heart (Change Series #2)Where stories live. Discover now