Chapter 34

9.5K 201 13
                                    

"How are you, Chef Lian?"

Lumapit sa akin si Calynn, nandito ako sa bakeshop ko. It's been a year since Drew and I broke up. 6 years na sana kami ngayon. Nag-aral ako para maging chef noong naghiwalay kami. Kailangan ko ng diploma para maging chef ako. Dito ko na lang tinuon lahat ng atensyon ko.

Wala na akong nagawa, hindi ko na siya hinabol. Kailangan ko nang tanggapin na wala na siya sa buhay ko. Kasalanan ko naman, eh. Pinakawalan ko siya.

"Okay naman." ngumiti ako.

Hinila ako ni Calynn sa counter at dinala ako papunta sa office ko.

"Magb'beach kami ni Steve sa anniversary namin." excited na pagkukwento niya pagpasok namin.

"Naks, sana all!" I joked.

"May tanong pala ako." umupo siya sa couch. Umupo na rin ako sa upuan ko sa may table.

"Ano 'yon?"

"Bakit hindi mo pa dinidelete 'yung picture niyo ni Drew sa social media accounts mo?" tanong niya habang nakasandal sa couch na parang reyna.

"Umh, kasi naging part siya ng buhay ko?" patanong kong sagot. Tumayo na rin ako at tumabi sa kaniya.

"Yeah, I mean... usually naman kasi, dinidelete nila after break-up." she shrugged.

"Dinilete na rin siguro niya 'yung picture namin." I chuckled sarcastically.

Humarap siya sa akin. "You're not checking his socmeds?" kumunot 'yung noo ni Calynn.

"Hindi," ngumiti ako. "Baka mahirapan lang ako. Baka imessage ko na balikan niya ako."

"What's so wrong with that? Tingin mo ba hindi ka na niya mahal?" tanong ni Calynn.

"Wala na akong mukhang maiharap. Ayoko na siyang masaktan pa." I smiled sadly.

Sinubukan kong ayusin 'yung buhay ko pagkatapos naming maghiwalay ni Drew, hindi ko alam kung naayos ko nga ba. Ang alam ko lang, gumigising ako, natutulog, pumapasok. Wala ng saya katulad noong dati na magkasama pa kami.

-

"Hello," ngumiti ako sa mga tanim namin ni Drew noong 3rd anniversary namin. Apat na 'yung malalaki. Puro bulaklak 'yung tinanim namin noon.

"Hello, Lily. Hi, Rose." binuhusan ko sila ng tubig na galing sa mineral water, naalagaan naman sila rito pero gusto ko lang na dinidiligan ko sila kapag pumupunta ako rito.

"7th anniversary na namin." mukhang tanga kong kinakausap 'yung mga halaman.

"4 years na kayo, akalain niyo 'yon?" nagpunas ako ng luha.

10 'yung tinanim namin ni Drew noon pero silang apat na lang 'yung natira.

"Drew," panimula ko habang nakatingin sa mga halaman. "Sila 'yung lumago." ngumiti ako. "Sana makita mo rin sila."

-

"Hi, Ma." nagpunta ako ngayon dito sa Muñoz, death anniversary ni Mama ngayon. Kasama ko pa 'yung teddy bear na binigay ni Drew noong nagperya kami noong birthday niya.

"Miss na kita," naluha na kaagad ako.

"Sorry, hindi ko natupad 'yung promise ko sa 'yo, naghiwalay kami ni Drew." lumuhod ako para mahawakan 'yung lapida niya at kasabay noon 'yung mga luha ko.

"8 years na sana kami, Ma. Kung sana lang nakinig ako. Kung sana lang hindi ko siya sinumbatan, hindi ko siya sinisi, kung sana lang inintindi ko siya." tuloy-tuloy lang 'yung paghikbi ko.

"Mahal ko pa rin siya, Ma." napatakip ako ng bibig ko. "Hindi nawala 'yung pagmamahal ko sa kaniya sa mga taong lumipas na hindi kami magkasama."

-

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon