Chapter 16

9.1K 214 44
                                    

"Pa, totoo ba?"

Napatakip ako sa bibig ko sa narinig ko, tinanong ko kaagad si Papa na kakapasok lang ulit sa bahay namin. Ano bang nangyayari? Joke time ba 'to? Kasi hindi nakakatuwa, hindi ako natutuwa. Ano 'yon? Nilihim nila sa akin? Hindi ba nila inisip na pagkatao ko 'yung tinago nila?

"Anak," he's trying to get my hand.

"Bakit hindi kayo makasagot?!" sigaw ko. "Ibig sabihin, totoo?"

"Ayokong sa ganitong paraan mo malaman."

"Kaya ba," I sobbed. "Kaya ba hindi ko nagagamit 'yung apelyido mo?"

Hinawakan ni Papa 'yung kamay ko. "Anak,"

"Ang sabi mo noon, hindi lang kayo kasal ni Mama. Hindi lang naaayos 'yung birth certificate ko." I cried. "Kaya pala," I chuckled sarcastically.

Lumapit sa akin si Mama. "Anak, please."

Napailing ako habang may tumutulong luha sa mga mata ko. Bumitiw ako sa pagkakahawak ni Papa sa kamay ko, kinuha ko 'yung bag ko at mabilis na nagtatakbo paalis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ang alam ko lang, gusto kong lumayo.

Sumakay ako ng jeep, hindi ko alam kung saan 'to papunta. Nakatingin ako sa bintana habang nasa jeep para walang masiyadong makakita na umiiyak ako.

"Miss, saan ka?" tanong ng jeepney driver, nang mapatingin ako sa jeep, ako na lang pala 'yung tao.

"Dito na lang po," inabot ko na 'yung bayad at bumaba kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. May nakita akong isang park dito at doon na lang ako pumunta. Malapit na magdilim pero wala akong pakielam.

Tinignan ko 'yung cellphone ko at nakita ko 'yung sunod-sunod na text nina Drew at Calynn.

From: Maarteng Calynn
Lian, I thought you're going to audition?

From: Babe
Babe san ka na? Magstart na yata

From: Babe
Babe hindi ka na ba tutuloy?

From: Babe
Lian replyan mo naman ako, mukha na akong tanga kakahintay dito sa labas

Umiiyak pa rin ako habang nakatingin sa phone ko, nagulat na lang ako nang biglang magring 'yon.

"Hello?" pinilit kong maging normal 'yung boses ko para hindi niya mahalata na umiiyak ako.

"Nasaan ka ba?!" sigaw ni Drew. "Kanina pa kita hinihintay."

"Uh, sorry." napahikbi ako kaya agad kong tinakpan 'yung bibig ko.

"Babe?" his voice became soft. "Nasaan ka?"

"Babe?" pagtawag niya ulit nang hindi ako magsalita. "Okay ka lang ba? Magkita tayo, nasaan ka ba?"

"Babe," hindi ko na napigilan at umiyak na ako.

"Babe, anong nangyari?" he asked, sounding so worried.

Hindi ako nagsalita at ibinaba na lang 'yung phone. Hindi ko siya dapat dinadamay sa problemang pamilya namin.

Sunod-sunod na tumunog 'yung phone ko dahil sa pangungulit ni Drew kung nasaan ako. Tinignan ko 'yung lugar at naghanap ng sign board para masabi kung nasaan ako. Ayaw ko pang umuwi!

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakaupo rito sa gilid. Umiiyak lang ako. Nagulat na lang ako nang may mag-abot ng panyo sa akin.

"Michael?" nanlaki 'yung mata ko. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

Umupo siya tabi ko. "Bakit ka umiiyak?"

"Wala," tipid kong sagot habang nakatingin sa kawalan.

"Sabagay, bakit mo naman sasabihin?" he laughed sarcastically. Naiirita ako sa kaniya kaya tumayo na lang ako at umalis. Lumakad na lang ako kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon