Chapter 38

10.4K 244 27
                                    

"Aray!"

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit. Umupo ako sa couch at pinatong ko 'yung ulo ko sa kamay ko, pinatong ko 'yung siko ko sa hita ko at pilit inaalala 'yung mga nangyari kagabi. Tumingin-tingin ako sa paligid at nanlaki 'yung mata ko nang marealize ko kung nasaan ako.

"Shit," napamura ako at nagmamadali kuhanin 'yung cellphone ko sa bag ko na nasa center table. Sunod-sunod 'yung mga texts.

From: Net
Maam ok lang po kayo?

From May
maam sinundo kayo nung gwapo sana all

From: Lim
Ma'am Lian si Sir Drew po ba yung kagabi?

From: Maarteng Calynn
Where are you? I'm here at your bakeshop.

"Ah!" napasabunot kaagad ako sa ulo ko. Paano akong aalis dito? Tinignan ko 'yung relo ko at 11:00 AM na. Pambihira naman!

Napatingin ako sa tubig at gamot na nasa center table. Mayroon pang sticky note 'yung gamot. Sa tabi ng gamot ay mayroong susi.

'Pakisara na lang yung pinto.'

"Nakakahiya!" inuntog-untog ko 'yung cellphone ko sa noo ko. Anong nangyari kagabi? Ano-ano 'yung mga sinabi ko kay Drew? Hindi ko na maalala!

Ininom ko 'yung gamot at kinuha ko na rin 'yung susi. Tumayo na ako para makapaghilamos, pagkatapos ay nagbook na ako ng grab. Habang palabas ako ay nakita ko 'yung frame sa kabilang upuan sa couch. Lumapit ako roon at tinitigan.

"Bakit nandito pa 'to? Baka isipin kong mahal mo pa ako." kinausap ko 'yung picture frame dahil picture namin 'yon ni Drew noong graduation niya. Iyong nakapasan ako sa kaniya.

-

"Good morning, Ma'am." bati sa akin ni Net na nasa counter. "Masakit po ulo niyo?"

"Okay lang," ngumiti ako.

"Nandito po si Ma'am Calynn kanina."

"Tatawagan ko na lang." sabi ko bago pumunta sa kitchen.

"Ma'am, ikaw, ah!" bungad ni May. "Kilala niyo pala 'yung gwapo kagabi. Pakilala mo naman ako." natawa pa siya.

"Off limits 'yon." sagot ko bago ayusin 'yung isang box ng cupcake sa table.

"Nasaan ka?" tanong ko kay Calynn sa phone habang nagda-drive. Naka-connect lang sa kotse 'yung tawag.

(Condo, galing ako sa bakeshop mo, wala ka naman doon.)

"Kina Drew ako natulog."

(What?!) pakiramdam ko ay umabot ng Spain 'yung sigaw niya sa sobrang lakas.

"Basta, kukuwento ko na lang, pupuntahan ko muna."

(Punta ka na lang dito, I'll wait for you here, ah!)

"Sige." iyon na 'yung huling sinabi ko bago pindutin 'yung end call.

"Si Engineer Mendez?" tanong ko sa isa sa mga engineers dito sa may cubicle dahil wala siya sa office niya. Nandito na ako sa Gonzales Construction.

"Ay, nasa site po sila ni Engineer Gonzales." magalang na sagot niya.

"Saang site? Sa Laguna?"

"Opo, Ma'am."

"Thank you," ngumiti ako at pumunta na sa elevator para makababa na. Nagpunta na rin kaagad ako sa site sa Laguna pagkatapos noon. Lunch na kaya naisipan ko munang dumaan sa DriveThru ng McDo.

"Steve!" tawag ko kay Steve habang naglalakad palapit. Dala ko 'yung cupcake sa kanang kamay ko at 'yung paper bag ng McDo sa kaliwa.

"Lian," tinanguan niya ako. "What are you doing here?"

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon