Chapter 20

9.7K 186 18
                                    

"Babe, mag-au-audition ka na ba?"

Tanong ni Drew, nandito kami sa bahay nila dahil gumagawa ako ng project, naging night shift kasi si Mama kaya wala na akong kasama sa bahay kapag gabi. Mas madalas na ako rito dahil dito, kasama ko si Drew.

"Titignan ko pa, babe." ngumiti ako sa kaniya bago ituloy magbake. Nagt'try ako ng sarili kong recipe ng cupcake dahil kailangan namin gumawa. Nakaupo lang siya sa upuan sa dining table at may libro sa harapan niya habang nandito ako sa kusina.

"Sige, lapit na acquaintance, babe." biglang sabi niya habang nililipat 'yung page ng libro.

"Oo nga, eh. Mayroon ba? Last year kasi wala, 'di ba?" tanong ko habang hinahalo 'yung mga ingredients.

"Mayroon na raw. Semi-formal 'yung theme." tumango na lang ako at binalik 'yung atensyon ko sa pagbe-bake.

"Babe, halika nga." tinawag ko siya nang matapos ko na ibake. Mabuti na lang at may oven si Drew.

Tumayo siya at lumapit sa akin. "Bakit?"

"Tikman mo nga," pinakagat ko siya ng cupcake na gawa ko. "Ano, kumusta?" tanong ko.

Ngumunguya siya habang nag-iisip, nag-iintay lang ako ng sasabihin niya. "Ang sarap, babe. Seryoso." sabi niya kaya napangiti ako.

"Totoo? Walang bola?"

"Seryoso nga!" energetic niyang sabi at kinuha na 'yung cupcake sa kamay ko bago bumalik sa binabasa niya.

Pagkatapos kong magbake ay nilagay ko na sa box dahil ip'present ko 'yon bukas. Lumapit ako kay Drew. Pinatong ko ang siko ko sa balikat niya. Nakatayo lang ako sa gilid niya at naisipan kong buksan 'yung isa niyang libro.

"Wow, french." natatawa kong sabi dahil hindi ko maintindihan 'yung mga terms. I heard him chuckled. Binalik ko na rin kaagad 'yung libro niya sa lamesa pagkatapos ay nagprepare na ako ng dinner namin.

"Hello po," bati ko kay Tita Mara habang may hawak pang sandok. Nagluluto ako sa likod ni Drew dahil nakaupo pa rin siya sa upuan sa dining table.

(Hi, Lian!) bati ni Tita Mara. Ngumiti lang ako bago bumalik sa pagluluto ng ham. Prito lang ang niluluto ko dahil napagod akong magbake. Puro pajama lang din 'yung suot ko kapag nandito.

"Ma, bakit ka nga pala napatawag?" tanong ni Drew sa laptop.

(Kukumustahin lang kita, miss na kita, eh.) napangiti ako habang nagluluto nang marinig ko sila ng Mama niya. Sweet kasi silang dalawa dahil sila na lang ang magkasama. Pumunta lang daw 'yung mama niya noong nag college siya dahil nagkaroon ng magandang offer sa Spain.

"Miss din kita, Ma." sagot ni Drew.

(Nga pala, nak. 'Yung sinabi ko sa 'yo)

"Opo, Ma. Balitaan na lang kita." biglang sabi ni Drew.

(Okay, nak. Sige, nangamusta lang ako. Bye, Lian!) sabi ng Mama niya kaya napalingon ako sa kanila.

"Bye po!" kumaway ako.

(Bantayan mo 'yang si Daniel.) bilin pa ng Mama niya. Natawa ako at tumango.

Kinabukasan ay nakatanggap ako ng text galing sa NAU Dance Troupe. Ito na siguro 'yung sa acquaintance.

"Tara na," halos mapatalon ako nang biglang sumulpot si Drew paglabas ko ng room namin.

I held my chest. "Nakakagulat ka naman!"

Natawa lang siya at sabay na kaming pumunta sa room. Nandoon na rin sina Christy at Alex. Tumabi ako sa kanila at tumabi sa akin si Drew.

"Hi, Pres." nakangiting bati ni Christy kay Drew.

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon