Chapter 2

15.9K 332 116
                                    

"Huh?"

Tumingin ako sa lalaki sa likuran ko. Parang gusto kong magpakain sa lupa. Kitang-kita ko pa si Calynn na nagpipigil ng tawa. Narinig ng crush ko na tinawag ko siya? Hala, nakakahiya! Sinigaw ko pa naman. Baka matakot siya sa akin at isipin niya ay stalker ako.

"Tawag mo ba ako, miss?" tanong sa akin ng crush ko.

"Po?" maang-mangan kong sagot. "Baka po mali lang rinig niyo." I faked a smile.

"Sigaw pa," bulong ni Calynn kaya humarap ako sa kaniya.

"Hoy!" rinig na naman namin 'yung sigaw ni Addie kasama si Nat. Papalapit sila rito sa amin ni Calynn.

"Guess who just embarrassed herself?" bungad ni Calynn sa kanila.

"Tara na nga!" mabilis kong hinila si Calynn paalis ng bleachers at alam ko rin namang susunod sina Addie.

"Ouch! Silly," tatawa-tawang sabi ni Calynn nang bitawan ko na siya. Umupo ako sa bench dito sa school namin. "What?" natatawa pa ring tanong ni Calynn habang umuupo sa tapat ko. Pambihira! Dinadagdagan pa 'yung pagkapahiya ko.

"Anong chika?" tanong ni Addie habang umuupo sa tabi ni Calynn, nasa tapat ko sila ngayon, tumabi naman sa akin si Nat.

"She just shouted the name of her crush tapos narinig." pagkukwento ni Calynn habang tumatawa.

"Oh! Ayaw mo 'yon," mahinang hinampas ako ni Addie. "May chance ka na!" dagdag pa niya.

"Chance?" sabat ni Calynn. "If I were him hindi ko na siya papansin, ever!" eksaheradang sabi niya.

"Buti hindi ikaw siya!" sabi ko sa kaniya. Dinilaan naman niya ako. Isip bata!

"Ano bang course?" nagulat ako nang biglang umupo si Elly sa kabilang side ko.

"Engineering," sagot ko.

"Eh, 'yung ex mo ba? Ano ngang course noon?" tanong pa rin ni Elly.

"Architecture 'yon, hindi ko ex 'yon, ayoko na roon. Wag na nating pag-usapan. Eeew!" I gave them a disgusting look.

"Eeew talaga!" dagdag ni Calynn at umirap pa. Ayaw niya kasi kay Michael dahil pinaasa lang ako. Galit na galit siya roon.

"Uuwi na ako," biglang sabi ni Nat at tumayo na.

"Hindi ka magsasalita tapos ang sasabihin mo lang uuwi ka na? Lumayas ka na! Hindi mo kami mahal!" OA na sabi ni Addie at tinataboy-taboy pa si Nat.

"Sige, alagaan mo 'yung kapatid ko." sabi naman niya kay Addie na inirapan lang siya.

"Kumuha na kasi kayo ng yaya!" sigaw ni Addie habang nakatayo si Nat at inaayos 'yung gamit niya.

"Gusto ko ako ang nag-aalala. Bye na!" nagtatakbo na siya kaya hindi na nakapagsalita si Addie. Mayaman naman sina Nat pero ewan ko ba sa kaniya. Mahal na mahal 'yung kapatid niya at gusto niyang siya ang nag-aalaga.

Maya-maya ay umuwi na rin kami, nakakahiya! Baka madagdagan pa ang hiya ko kapag nagtagal pa ako roon. Aasarin lang ako ni Calynn.

Nakahiga lang ako rito sa kama ko at iniisip 'yung panibagong encounter namin ni crush. Napagdesisyunan kong magtwitter na lang at isesearch ko na lang ang social media accounts ni Daniel Andrew. Sa twitter ko muna siya unang hahanapin.

Drew @drewmendez
Inhinyero | Mananayaw
27 Following - 3,326 Followers

So, dancer pala siya? At medyo marami rin siyang followers. Ang dali namang isearch ng username niya, pangalan lang.

blianab: Dancer 'yung crush ko!!!

bellacalynn: Umh. So?

blianab: Wag ka magpapakita sa 'kin kakalbuhin kita!

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon