Chapter 39

10.8K 246 72
                                    

"Good morning, Chef!"

Masayang bati sa akin ng isa sa mga barista rito. Kakapasok ko lang sa bakeshop at dumiretso ako sa kitchen dahil magsisimula na akong gawin 'yung naperfect kong ingredients kahapon. Inuwi ko lang 'yon sa bahay at nilagay sa ref, iyon na siguro 'yung bago kong favorite.

"Good morning, Niño." bati ko rin at kinuha na 'yung mga gamit.

"Bago po 'yan, Chef?" lumapit sa akin si Janice, isa rin sa mga chef ko.

"Oo," ngumiti ako habang nakatingin sa papel. "Lalabas natin."

"Ay, nakakaexcite!" pumalakpak pa siya bago magtrabaho ulit.

"Ma'am Lian, kanina pa po nagriring 'yung phone niyo." biglang sabi ni Janice. Abala ako sa bine-bake ko kaya hindi ko na napansin 'yung phone ko sa gilid.

"Sige, thank you." ngumiti ako bago tanggalin 'yung gloves ko.

Kinuha ko 'yung cellphone ko at may unknown number na tumatawag, napakunot 'yung noo ko. Sinagot ko pa rin naman kahit na nagdadalawang isip ako, hindi ko naman pinapamigay 'yung private number ko sa iba.

"Hello?" alangan kong sagot sa tumawag.

(Lian,) napakapit ako sa lamesa nang marinig ko 'yung boses ni Drew.

"Engineer Mendez, may kailangan po kayo?" napakagat pa ako sa kuko ko dahil sa kaba.

(Busy ka ba? Sabi mo kasi sa ) bigla na lang siyang umubo kaya hindi na naituloy 'yung sasabihin niya.

"Okay ka lang?" malambing kong tanong.

('Yung sa may ) hindi na naman niya natuloy dahil umubo na naman siya.

"Huwag ka nang magsalita, papunta na ako." binaba ko na 'yung tawag at nagtanggal na ako kaagad ng apron, napatingin pa sa akin si Janice.

"Aalis ka, Chef?" nakakunot-noo niyang tanong.

"Ah, oo. Pwede bang pakiligpit na lang, babalikan ko mamaya." tinuro ko 'yung bine-bake ko at inilapag 'yung apron sa lamesa.

"Ang importante naman po yata para iwan niyo 'yung bine-bake niyo." natawa pa siya nang bahagya.

"Importante nga," ngumiti ako sa kaniya bago lumabas ng kitchen.

I bought him a soup before going to his house. "Engineer Mendez," pagtawag ko habang kumakatok sa gate niya. Parang ang feeling close ko naman kasi kung tatawagin ko siyang 'Drew'.

Bumukas 'yung pinto pero hindi naman tumayo si Drew. Inabot lang niya 'yung doorknob habang nakahiga sa couch. Katabi kasi ng couch 'yung pinto.

"Okay ka lang?" tanong ko habang nilalagay 'yung noodles sa center table. "Siyempre, hindi." napasapo pa ako sa ulo ko.

"Sorry sa abala⎯ " umubo na naman siya kaya hindi niya natapos. Nakahiga lang siya sa couch at nakatagilid, nakaharap siya sa akin at parang ginaw na ginaw dahil sa pagkakahawak niya sa kumot.

"Huwag mo nang isipin, kumain ka muna." umupo ako sa couch sa tabi niya. Inayos ko 'yung mga unan at inalalayan ko siya para makaupo siya. Kinuha ko 'yung soup at pinakain na siya. "Inumin mo 'tong soup." sinubo ko sa kaniya 'yung kutsara na may sabaw.

"Sorry," biglang sabi niya bago isubo 'yung nasa kutsara. "Wala lang talagang mag-aalaga⎯ " umubo na naman siya.

"Nasaan na girlfriend mo," painosente kong tanong habang inaayos sa kutsara 'yung noodles.

"Huh?" tumingin ako sa kaniya at nakakunot na 'yung noo niya.

"Iyong lagi mong kasama." I bit the side of my cheek because of embarrassment. Pero mabuti na 'to, kailangan ko na talagang tanungin, baka mamaya biglang dumating 'yung Melissa rito at sabunutan ako bigla.

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon