Chapter 29

8.3K 162 28
                                    

"Oo,"

Tumingin ako ng diretso sa mga mata ni Drew. Hindi ko na napigilan 'yung sunod-sunod na luha ko. Inaya na ako ni Drew magpakasal? Totoo ba 'to? Siyempre, papayag ako. Mahal na mahal ko si Drew. Siya lang 'yung lalaking gusto kong pakasalan. Siya lang, wala ng iba.

Ngumiti si Drew at unti-unting sinuot 'yung singsing sa akin. Tumayo siya at niyakap ako nang mahigpit. "Thank you," bulong niya.

"Hindi ko inexpect." humikbi ako. "Thank you, Drew. I love you."

"Hindi, thank you, Lian." hinarap niya ako sa kaniya at dinampian ako ng halik sa labi.

Parang ito na 'yung pinakamasayang araw ng buhay ko.

Ikakasal na ako!

-

"Oh, my gosh!" sigaw ni Calynn habang nakatingin sa kamay ko na nasa harapan niya, nilalaro-laro pa niya 'yung bato. Nandito kami sa office ko.

"Grabe!" napatayo ako sa upuan ko. "Hindi ko talaga inexpect."

"Omg, same! Imagine, tayo 'yung nagprepare ng surprise pero tayo 'yung nasurprise." she chuckled.

"Grabe!" umupo ako ulit at sumandal, nakatingin lang ako sa kisame.

"So, kailan ang kasal?"

"Ewan," I shrugged.

"I'll help for the wedding preps, ah. Sana lang wala akong exam noon, 'no?" ngumiti siya at kumagat ng big bite niya.

"Oo nga, eh. Sana nga."

"Anak?!" maluha-luha si Mama habang nakatingin sa kamay ko. Gabi na at hindi kami nag-abot kanina dahil late na siya umuwi at maaga akong pumunta sa bakeshop.

"Ikakasal na ako, Ma!" napatalon pa ako at niyakap siya nang mahigpit.

"Congratulations!" niyakap niya ako. "Hindi ko alam na kagabi pala magp'propose si Drew, ang sabi lang niya sa akin ay nakabili na siya ng singsing."

Humarap ako kay Mama. "Ma?" kumunot 'yung noo ko. "Nagpaalam po sa inyo si Drew?"

"Siyempre naman."

Parang lalo tuloy natunaw 'yung puso ko. Nakakatuwa naman na sobrang nirerespeto ni Drew 'yung magulang ko. Hindi talaga ako nagsisisi na pumayag ako.

-

"Merry Christmas!" bati ko kay Mama paglabas niya ng kwarto.

"Nagulat naman ako," she chuckled. "Merry christmas, anak."

"Ma, pinagluto kita ng favorite mong beef steak!" pumamewang pa ako na parang proud na proud sa ginawa ko.

"Hmm?" tinaas niya 'yung kilay niya. "Tikman ko nga kung masarap na." she chuckled while walking towards the dining.

"Hala, Ma! 'Yung dati ba hindi?" malungkot na tanong ko.

Tumingin siya sa akin at tumawa. "Biro lang, anak. Masarap." napatingin si Mama sa pintuan kaya tumingin ako sa likuran ko. "Drew," ngumiti sa kaniya si Mama.

Tumakbo kaagad ako sa kaniya na nasa tapat ng pinto. "Merry christmas, babe." I hugged him.

"Merry christmas." he kissed the top of my head. "Merry christmas po, Tita." lumapit siya kay Mama at bumeso.

We celebrated christmas together, as always. Ngayong new year ay nandito kami sa labas ng bahay namin at nanonood ng fireworks.

"Ang ganda," halos pabulong na sabi ni Mama habang nakatingin sa fireworks.

"Sobra," dagdag ko na nakatingala rin.

"Mas maganda pa rin po kayong dalawa." pangbobola ni Drew kaya napalingon kami sa kaniya.

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon