Chapter 21

9K 189 32
                                    

"Happy 2nd anniversary, babe!"

Mumulat-mulat pa akong binuksan 'yung pinto ng kwarto ko at biglang sumulpot 'to si Drew sa harapan ko. Suot niya 'yung shirt na regalo ko sa kaniya noong first anniversary namin. Naka maong pants lang din siya. Kahit bagong gising ako ay kitang-kita ko pa rin 'yung kagwapuhan niya.

"Anong ginagawa mo rito?" kinukusot ko pa 'yung mata ko.

"Magbihis ka na, aalis tayo."

Lumabas na ako ng kwarto. "Saan punta?" tanong ko habang lumalakad papunta sa kusina para magprepare ng breakfast.

"Basta," tinignan ko siya at nakangisi lang siya. Napailing na lang ako.

Gumayak na ako, nagsuot na lang ako ng hight waist na paldang maong at croptop na white, nag-sneakers na lang din ako na white para madali kumilos. Naka white sneakers lang din kasi si Drew.

"Cute naman, partner tayo." sabi niya nang lumabas na ako ng kwarto. Nakaupo lang siya sa couch at naghihintay sa akin.

"Isip bata," bulong ko.

Tumayo na si Drew sa couch at lumabas na kami, Sumakay na kami ng taxi at wala akong idea kung saan ako dadalhin nitong si Drew.

"Ano 'to?" tanong ko kay Drew nang bumaba na kami. Inakbayan niya lang ako at inakay papasok, hindi siya nagsalita. "Huy!" pinalo ko siya sa braso dahil sa sobrang excitement. Magf'firing kami! Nakaka-excite naman.

"Ayaw kasi ng girlfriend ko ng boring, gusto laging may thrill." sabi niya sa akin habang kinukuha 'yung baril kay Kuya na nag-aassist.

"First time ko, to." kinakabahang sabi ko sa kaniya dahil inaabot na sa akin ni Kuya 'yung baril. "Wait, Kuya. Siya muna." ngumiti ako kay Kuya.

"Okay lang 'yan, tuturuan kita." ngumisi siya sa akin. Kaya pala ang galing niya bumaril noong nagperya kami, nag-gaganito pala siya!

Sinuot na niya 'yung parang headset para hindi masakit sa tainga, sinuot ko na rin 'yung sa akin. Pinanood ko muna siya at halos lahat ng shot niya ay nasa gitna. Nang humarap siya sa akin ay ngumisi siya.

Tangina, ang gwapo! Lalo tuloy akong na-inlove!

"Babe," pagtawag niya dahil napatagal yata 'yung titig ko.

"Huh, ah, oo!" natataranta kong sabi.

He chuckled. "Ako lang 'to, babe."

Hinampas ko siya sa braso. "Feeling naman!" umirap ako at umabante na dahil turn ko na. Nang nasa likod ko na siya at hindi na niya ako nakikita ay napangiti ako. Grabe, boyfriend ko 'to? Ang swerte ko!

"Ganito," hinawakan niya 'yung kamay ko at tinutok na 'yung baril doon sa target. "Tignan mo mabuti 'to para maasinta mo." nakapikit 'yung isa niyang mata at nakatingin sa target habang ako mukhang tangang nakatitig sa kaniya. Hindi ko na narinig 'yung ibang sinasabi niya. Nang humarap siya sa akin ay ngumiti siya. "Na-gets mo, babe?"

"Huh?" napa-ubo ako. "Oo," I laughed awkwardly. Ano ba 'yung mga pinagsasabi niya kanina?

Dahil hindi ko napakinggan 'yung mga sinabi niya ay ang lalayo tuloy noong tama ko roon sa gitna. I pouted when I looked at him.

"Okay lang 'yan." he smiled and caressed my cheeks. "Bawi ka next round."

Nang sumunod ay lumapit-lapit naman 'yung tama ko kaya napatalon pa ako. Tinawanan pa ni Drew 'yung reaksyon ko.

"Kapag nang-babae ka, alam na." nakangisi kong sabi habang nakatingin sa baril.

"Hoy, bitawan mo na nga 'yan." kinuha niya 'yung baril sa akin at inabot na kay Kuya. "Mga naiisip mo," inakbyan niya ako.

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon