Chapter 42

12.6K 238 26
                                    

"Hindi mo tinatanggal?"

Magkaholding hands kami ngayon ni Drew at nakasandal ako sa braso niya habang nakaupo kami sa likod ng sasakyan ko. Hatchback naman 'yung sasakyan ko kaya makakaupo kami. Nilalaro-laro ko 'yung kamay niya at nakatingin lang ako sa bracelet niya na binigay ko noon.

"Hindi," sagot niya. "Ikaw rin?" hinarap niya 'yung kamay ko na may singsing. Iyong regalo niyang singsing noong sinagot ko siya.

"Hindi rin." sagot ko.

"Naubos ko 'yung capsule, babe." natawa siya nang bahagya sa pag-amin niya.

"Nakita ko nga noong may sakit ka." natawa rin ako.

Lumingon siya sa akin. "Nakita mo?"

"Oo, bakit?" I chuckled.

"Nakakahiya!" tinakpan pa niya 'yung kamay niya gamit 'yung kanang kamay niya, 'yung kaliwa ay hawak ko pa rin.

"Sus, nagpa-alaga ka nga sa akin, hindi ka nahiya, eh." I laughed.

"Sinong gustong mong mag-alaga sa akin? Si Melissa?"

Bumitiw ako sa pagkakahawak sa kamay niya at humarap sa kaniya. Tinignan ko pa siya ng tatlong segundo sa mukha bago hampasin 'yung braso niya.

"Aray," natatawa niyang hinahaplos 'yung braso niya na pinalo ko.

"Bakit ka nagpapahalik?!" sigaw ko.

"Hindi, okay. Niyakap ko siya dahil namatay 'yung pamangkin niya. Nagulat ako nang halikan niya ako pero lumayo kaagad ako tapos nakita na kita." pagpapaliwanag niya.

Lumingon ako sa harap at pinagkrus ko 'yung braso ko. "May iba ng nakahalik diyan sa labi mo."

Natawa siya nang bahagya, hinawakan niya 'yung pisngi ko at iniharap ako sa kaniya. "Sorry na."

"Gusto ko ako rin." I pouted.

"Ikaw," tinuro niya 'yung mukha ko. "Kakabalikan lang natin tapos..."

"Kiss lang, eh."

"Paano pa ba? Lagi naman akong walang magawa."

Lumayo ako sa kaniya. "Ay wow, napilitan?!" napahawak pa ako sa dibdib ko.

Natawa siya nang bahagya bago hawakan 'yung batok ko. Inilapit niya ako sa kaniya at dinampian ako ng halik sa labi. "I love you, okay." ngumiti siya.

"I love you too."

-

Hindi ko alam kung paano sasabihin sa mga kaibigan ko na kami na ulit ni Drew. Alam ko naman na magiging masaya sila para sa akin pero parang natatakot ako na nahihiya na ewan.

"What's up!" sigaw ni Calynn pagpasok ng kitchen. "Are you busy?"

"Hindi naman, bakit?" tanong ko.

"Pwede mo ba akong samahan?" nagpapacute pa siya.

"Saan ba?" niligpit ko na 'yung mga gamit dahil kakatapos ko lang magbake.

"Magsusukat ng gown." nailaglag ko 'yung whisk na hawak ko dahil sa sinabi niya. Pinulot ko rin 'yon at nilagay sa lababo bago humarap sa kaniya.

"Naiiyak ako," lumapit ako sa kaniya. "Totoo na talaga."

"I agree." yumakap siya sa akin pero bumitiw rin kaagad. "Sasamahan mo ako?"

"Siyempre!"

"Pambihira!" napatayo ako sa upuan nang lumabas si Calynn sa fitting room. "Napakaganda mo." tumayo ako at hinawakan 'yung kamay niya.

"Thank you," halos mangiyak-ngiyak na sagot niya. Ang ganda niya! Bagay na bagay sa katawan niya 'yung pagkafit ng lace gown niya.

"Kapag nakita ka ni Steve, nako, ewan ko na lang!" niyakap ko siya sa sobrang pang-gigigil.

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon