Chapter 45

13.6K 268 35
                                    

"She said yes!"

Pagkatangong-pagkatango ko ay sumigaw kaagad si Drew. Nagpaputok ng confetti sina Steve, Luke at Mark at halos mapatalon ako. Sinuot ni Drew 'yung singsing sa akin at tumayo para yakapin ako nang sobrang higpit.

"Mahal na mahal kita." bulong niya.

"Mahal na mahal din kita." bulong ko rin.

"Congratulations!" lumapit kaagad sa amin si Tita Mara at niyakap kaming dalawa ni Drew.

"Tita, sinurprise mo ako, ah." I chuckled.

"Sisihin mo 'yan." tinuro niya si Drew.

Lumapit ako sa girls at nagtatatalon pa si Calynn habang hinihintay ako.

"Double celebration! Congrats to your opening and to your engagement!" niyakap ako kaagad ni Calynn.

"Grabe, ang aarte." pagbibiro ni Addie. "Pero congrats." she said sincerely before hugging me. "Masaya ako na masaya ka na." she whispered.

"Congrats, Lian!" niyakap din ako ni Elly.

"Congrats, may shift pa ako." natawa si Nat bago ako yakapin.

"Thank you." I told them.

"Thank you for making me happy." biglang sabi ko kay Drew pagkasakay niya ng sasakyan. Hinawakan ko 'yung kamay niya. "Salamat,"

"Wala akong ibang gustong gawin kung hindi pasayahin ka." niyakap niya ako. "Fiancé na kita." he whispered.

"Ulit." he added kaya natawa ako.

Bumitiw ako sa kaniya. "Promise," tumingin ako sa singsing ko. "Hinding-hindi ko na 'to ibabalik sa 'yo."

-

"Ma!" nagtatatakbo pa akong lumapit sa puntod ni Mama. "Engage na ako, ikakasal na ako, Mama!" nagtatalon pa ako kaya natawa si Drew nang makalapit na siya sa akin.

Inakbayan ako ni Drew. "Wala na raw pong bawian, Ma." biglang sabi ni Drew kaya napatingin ako sa kaniya. "Oh, bakit? Mama ko na rin siya." parang batang sabi niya.

"Pasalamat ka, love kita!" pinanlisikan ko ng mata si Drew.

He kissed my cheeks. "Thank you."

-

"Attorney!" bati ko kaagad kay Calynn pagdating niya sa office ko. "Sasamahan mo ba ako?"

Umupo siya sa couch at sinandal 'yung ulo sa sandalan at pumikit. "Sure, pahinga lang ako saglit, ah."

"Pagod na pagod?" natawa ako.

"The cases that I am handling is draining me. Ah!" napasabunot pa siya sa buhok niya. "But it's okay, though. I'm enjoying it naman." she smiled.

"Sige, okay lang kung ako na lang. Pahinga ka na lang muna." tumayo ako at sinara 'yung laptop.

"No, no, no! I'll go with you. Just give me 10 minutes please." pagod na pagod 'yung boses niya. Hindi na yata sanay magtrabaho si loka-loka. Nasa PAO na kasi siya nag-apply pagkatapos nila ikasal ni Steve.

"Sigurado ka ba? Kaya ko naman, eh." tumabi ako sa kaniya sa couch. Nakapikit pa rin siya at nakasandal 'yung ulo ko sandalan.

Dumilat siya at tumayo. Tumalon-talon pa siya at sinampal 'yung sarili niya. "I'm good now. Let's go!" energetic niyang sigaw. Napailing na lang ako.

"OMG ka, Lian!" parang nakita ko 'yung sarili ko noong siya 'yung nagsusukat ng gown. "You look like a princess." lumapit siya sa akin at niyakap ako.

Princess lace off shoulder 'yung wedding gown ko. Plain lang sa may bandang baba at may lace lang sa dulo ng gown. Mas komportable kasi akong gumalaw rito kaysa sa fit katulad noong kay Calynn.

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon