Chapter 9

11.7K 274 37
                                    

"Lalayo ka na?"

Alam ko namang ito ang tama niyang gawin. Alam ko rin na magiging okay na kami ni Calynn dahil dito pero bakit parang nalulungkot ako? Kailangan ba talaga magsakripisyo ng isa para lang maging okay lahat? Kailangan ba niya talagang lumayo?

"Mas gusto kong maging maayos kayong magkakaibigan. Alam kong importante sila sa 'yo." nakangiting sabi niya pero nakikita ko sa mga mata niya 'yung lungkot. "Tandaan mo, kaligayahan mo 'yung pinaka-importante sa akin." dagdag niya.

"Sige, Lian. Una na ako." ngumiti siya ulit sa akin bago tumayo. Hindi ako nakapagsalita. Dapat ko ba siyang pigilan? Oo, gusto ko siya pero importante rin sa akin ang mga kaibigan ko.

Ano ba ang dapat kong gawin?

Nalulungkot akong umuwi at pag-uwi ko ay wala pang tao sa bahay. Pumasok ako sa kwarto ko at pinilit na lang mapahinga. Baka sakaling maging okay na ang lahat bukas. Nagising na lang ako nang may nagsisigawan sa baba.

"Bahala ka, hindi na kita pipigilan." sigaw ni Mama.

"Hindi ko na alam!" sabi naman ni Papa. Halos mapatalon ako nang biglang kumalabog 'yung pinto namin. Pakiramdam ko ay lumabas na si Papa.

Pagtingin ko sa cellphone ko ay 6:00 AM na. Gumayak na lang ako para pumasok sa school. Hindi ko na muna sila iisipin. Paglabas ko ay wala na rin si Mama. Pumasok na siguro siya.

Buong araw akong tahimik sa room dahil hindi ko na rin alam ang dapat kong gawin. Nandito ako ngayon sa klase nang biglang magvibrate 'yung phone ko.

From: Maarteng Calynn
Do you still want to see me? :(

Parang tangang tumulo 'yung luha ko habang nag didiscuss 'yung prof. Parang gusto ko siyang batuhin ng cellphone at sabihing bilisan niyang magdiscuss dahil may pupuntahan ako.

Nang magdismiss siya ay nagmamadali akong ayusin 'yung gamit ko para mapuntahan si Calynn sa building nila. Nakita ko siyang nakatayo sa labas ng room nila at nagcecellphone. Mabilis akong lumapit at niyakap ko siya.

"Calynn," napahikbi pa ako dahil naiyak ako. "Sorry." naramdaman ko na lang 'yung kamay niya sa likod ko.

"Tara sa coffee shop?" umalis ako sa pagkakayakap at tumango sa kaniya. Pagdating namin ng coffee shop ay siya na raw ang oorder. Nakaupo lang ako at hinihintay siya. Pagbalik niya ay nakangiti siya sa akin. Nakakamiss!

"Sorry," bungad ko kaagad pagkaupo niya.

"Sorry rin." yumuko siya.

"Kung ayaw mo kay Drew okay lang nama⎯" naputol 'yung sinasabi ko nang bigla niyang ilabas 'yung box na may bracelet ni Drew.

"I'm sorry." unti-unti niyang ini-slide 'yung box papunta sa kin. "It's okay now, I realized that your happiness is more important than my anger." nakayuko lang siya.

Napakurap ako ng dalawang beses. "Sigurado ka?"

"You know, I just want to protect you. I promised before that I will always protect you. I just can't afford seeing you get hurt. I'm sorry, Lian."

Naputol 'yung moment namin nang biglang tumawag 'yung cashier dahil nandoon na 'yung order namin. Siya na rin 'yung kumuha. Umupo na rin siya sa tapat ko at may nakalagay pang note sa frappe ko.

'I miss you.'

Napangiti ako habang nakatingin kay Calynn. Grabe, sobrang namiss ko rin siya. Alam ko naman na ginagawa lang niya ang lahat para sa 'kin.

"I invited someone." nakangiting sabi ni Calynn habang umiinom ng frappe. Magtatanong pa lang sana ako nang makita ko na pumasok si Drew sa coffee shop. Nilingon ni Calynn 'yung tinitignan ko. Para akong nananaginip nang sumenyas si Calynn kay Drew na lumapit sa amin.

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon