Chapter 15

9.5K 215 28
                                    

"Calynn!"

Lumapit kami ni Drew sa kaniya at mukhang bored na bored na naghihintay rito sa park. Dito kasi kami magkikita dahil pupunta kami sa mall, may bibilhin din naman daw siyang bag. Nakasimangot na naman dahil siguro naiinip na, kanina pa siguro siya naghihintay rito. Nag overtime na naman kasi 'yung prof ko kaya late kami pinalabas.

"Hi, Calynn." bati ni Drew sa kaniya nang makalapit kami. Tumayo na siya at bumati rin kay Drew.

"Hi." tipid siyang ngumiti. Badtrip na siguro talaga dahil ang tagal namin.

Nagpunta na kami sa mall dahil kakain kami at para mahanap na namin 'yung gusto niyang bag. Mayroon pa siyang kinukwento na engineering guy na kinakaasaran daw niya. Steve pa raw 'yung pangalan.

"Wala ka bang kilalang Steve sa engineering?" tanong ko kay Drew pero itong si Calynn ay nagmamadaling maglakad na akala mo naman ay may hinahabol.

"Mayroon pero hindi ako sure kung iyon 'yon." sagot ni Drew. Tumango na lang ako, marami namang Steve.

"Arcade muna tayo." pag-aaya ni Drew pagkatapos bumili ng bag ni Calynn. Tumingin ako kay Calynn dahil okay lang naman sa akin.

"Fine." tipid na sagot niya. Sanay na kami sa babae na 'to. Ganito lang talaga siya.

"Yehey! I won!" sigaw ni Calynn nang matalo niya ako sa car race. Lagi na lang niya akong natatalo rito!

"Babe, dinadaya ako!" pagsusumbong ko kay Drew na nakatayo sa gilid ko.

"Of course not. Don't believe her, Drew. Talo lang talaga siya." napairap na lang ako at tumayo na. Sumunod ay sa pump-it-up dance craze na kami.

"Game, kung sinong mas mababa may parusa!" panghahamon ko kay Drew habang pumipili siya ng kanta. Nakaupo lang si Calynn sa gilid at pinapanood kami.

"Aba, mayabang ka, ah. Sige!" tinapakan na ni Drew 'yung arrow sa gitna pagkapili niya ng music.

May ilan akong great pero karamihan ay perfect na. Nakakainis dahil si Drew ay perfect lahat. B lang tuloy ako at A siya.

"Paano ba 'yan?" nagkibit balikat pa siya at nagyayabang. Kainis!

"Oo na, ano bang parusa?" I crossed my arms. Humarap siya sa akin at itinuro 'yung labi niya. "Siraulo ka!" sigaw ko at tinignan si Calynn dahil baka nakita niya kami. Pagtingin ko ay may tinitignan siya sa kung saan at bigla na lang umirap.

"Calynn, tara tayo naman!" pag-aaya ko sa kaniya.

Tumayo na siya. "No, thanks! Let's go na nga!" sigaw niya. Hala! Bakit badtrip na naman siya?

"Wait may isa pa kaming song." sayang naman kasi 'yung isang song. Umirap na naman siya at naglakad na palabas.

"Galit na naman siya." natatawang sabi ni Drew.

"Di ka pa ba sanay?" natawa na lang din ako bago pumili ng song.

Habang nagsasayaw kami ay napapangiti pa ako dahil puro perfect ako at siya naman 'yung nagkakaroon ng kaunting great.

"Well!" nagpagpag ako ng kamay dahil A ako at siya naman 'yung B.

"Okay lang, basta same 'yung parusa." kinuha na ni Drew 'yung gamit namin at inabot sa akin.

"Mas madami dapat parusa mo para mas madami sa akin." nagpacute pa ako habang kinukuha ko sa kaniya 'yung bag ko.

Ginulo niya 'yung buhok ko at inakbayan ako. "Ikaw talaga!" natawa na lang ako. Siya kaya unang nagsabi na kiss 'yung parusa. Hmp!

"Calynn!" tinawag ko siya dahil may kung sinong lalaki siyang kausap doon at mukhang nakikipag-away pa.

Nakaakbay sa akin si Drew at nagulat ako nang tinanguan niya 'yung lalaking kaaway ni Calynn. "Saan galing?" tanong ni Drew.

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon