Chapter 25

9.5K 182 24
                                    

"Congratulations, anak!"

Masayang bati sa akin ni Mama paglabas ko ng kwarto. May hawak siyang regalo. Sobrang saya ko ngayon! Nakablack toga ako at ilang oras na lang ay graduate na ako. Ako na lang 'yung nag-ayos sa sarili ko dahil kaya ko naman, straight lang 'yung ayos ng buhok ko at may dalawang hairclip sa magkabilang gilid. Cream 'yung kulay ng sleeveless dress ko.

"Thank you, Ma." ngumiti ako sa kaniya. Inabot niya sa akin 'yung regalo niya kaya tinanggap ko 'yon. "Pwede ko na po bang buksan?" natatawa kong tanong.

"Siyempre, anak." ngumiti siya.

Parang gusto kong maluha nang buksan ko. It's a silver name necklace, 'Brielle' yung pangalan na nakalagay. 

"Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng pangalan mo?" tanong niya. Lumingon ako sa kaniya. "It means heroine of God." she held my hand. "You're a brave woman, anak."

"Ma naman," nagpunas ako ng luha. "Paano ako magiging brave, iyakin nga ako." I pouted.

"Ang pagiging matapang ay hindi lang sa panglabas, anak. Sa katunayan, mas matapang ka pa sa akin dahil kahit anong problema mo, pinipili mo pa rin ituloy 'yung buhay mo."

"Ma,"

"Even you're a cry-baby." she chuckled. "Always remember that you are a brave woman." she pointed my heart.

I nodded.

"Congratulations, anak." niyakap na niya ako at may luha na ring tumulo sa kaniya.

Sinuot na niya sa akin 'yung kwintas pagkatapos ay umalis na kami. Ang sabi ko kay Drew ay sumunod na lang siya dahil maaga kami kailangan doon.

"Nat!" si Nat 'yung una kong nakita kaya lumapit na ako sa kaniya. "Saan na sina Addie?" tanong ko.

"Ewan ko nga, eh. Wala pa naman akong ibang kasama." she bit her fingers.

"Anong wala? Nandito kami, oy." siniko ko siya.

"Girls! Oh, my gosh, this is it." maarteng sigaw ni Calynn nang makalapit sa amin.

Dumating na rin si Addie at si Elly kaya nag-aya na si Calynn magpapicture. Dumating na rin si Steve kaya nabitter na naman itong si Addie.

"Babe, congrats!" nilingon ko kaagad si Drew at bumeso ako sa kaniya. Nakawhite short sleeves polo siya, ang gwapo! Humawak ako sa braso niya at dinilaan ko si Addie.

"Irita!" eksaheradang sabi ni Addie.

"Ma, pasok na po kami." pagpapaalam ko. Tumango lang siya at pumunta na sila ni Drew sa reserved seats nila.

Bernardo, Brielle Liana, Cum Laude

Mangiyak-ngiyak ako nang umakyat ako sa stage. Lumingon ako kay Drew, inistrech niya 'yung labi niya using his finger, gesturing me to smile. Tumingin din ako kay Mama na nakangiti at pumapalakpak. Kinaya ko naman pigilan 'yung luha ko hanggang makababa ng stage.

"Huy," siniko ako nang bahagya ni Rose. "Ang emotional mo talaga." natawa siya nang bahagya bago ako yakapin. "Congratulations. Thank you and Sorry sa lahat." dahil sa sinabi niya ay tuluyan na akong naluha.

Niyakap ko rin siya. "Thank you and Sorry rin sa lahat, Rose."

Nang matapos na 'yung ceremony ay nagmamadali si Calynn na lumapit sa akin. Halos matumba kami nang bigla niya akong yakapin nang sobrang higpit.

"Congratulations, Lian!" bulong niya sa akin. Nakakaiyak naman! Sana madalas pa rin kaming magkita kahit na graduate na kami.

"I'm so proud of you." bulong ko rin sa kaniya. Sobrang proud ako dahil Magna Cum Laude siya. Napabitaw lang kami nang biglang dumating 'yung family niya.

Running After Your Heart (Change Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon