Not To Fall Inlove Right ?

21K 949 70
                                    

Jessy's POV

"Nandito na tayo Jessy" sabi ni Brix.

Kung di niya pa sinabi di ako baba kasi buong byahe tulala lang ako at nag-iisip ng kung anu-anong pumapasok sa utak ko.

Di ko na binuksan yung pinto ng kotse, yung kotse kasi na natitiklop yung bubong yung ginamit namin ni Brix. Tumalon na lang ako bigla at tumakbo papalapit sa bahay, nasa labas sina Steph, Katie, Mom at si

Kristoff.

Nung nakita ko si Monggi niyakap ko siya agad at hindi ko na napigilang umiyak, kahit minsan gusto ko ng patayin to sa sobrang galit ko, ayoko paring mamatay to. Mahal ko to no!

"Sorry Jessy, naiwanan ko yung stove tapos bigla na lang sumabog" umiiyak na sabi ni Kristoff.

"Ate--si ano" hindi niya masabi pero alam ko na kung sino yung tinutukoy niya.

Tumingin ako sa bahay namin, nasusunog na ito at marami ng bombero.

Tumulo na lang ulit bigla yung luha ko.

Si Allen!

Di na ako nag-isip kusa na lang na tumakbo ang mga paa ko, basta ang nasa utak ko lang --

ILILIGTAS KO SIYA!

"Jessy!"

"Jes!"

"Jessy wag!"

"Saan ka pupunta?!"

Hindi ko alam kung sino sa kanila yung nagsalita nun, wala akong pinakinggan tumakbo lang ako papasok. Haharangan dapat ako ng mga bombero pero nakalagpas na ako sa kanila.

Pagdating ko sa loob ng bahay mainit at mausok, karamihan sa mga gamit namin nasusunog na. Umakyat ako agad ng hagdanan, dadaan pa lang ako ng biglang may bumagsak na nasusunog na kahoy sa harap ko kaya di ako makadaan.

"ALLEN!" malakas na sigaw ko pero walang nagsasalita, lalong bumuhos yung luha ko.

Alam kong kabaliwan yung gagawin ko pero tumalon ako sa nasusunog na kahoy, nakalagpas ako pero biglang umapoy yung pants ko.

"Aray! Allen!" sigaw ko habang pinapatay yung apoy sa binti ko.

Matapos kong patayin yung apoy tumayo na ako papunta sa kwarto ko. Sobrang init, hindi na ako makahinga at ubo na ako ng ubo.

"ALLEN! ALLEN! ALLEN!"

Pagtingin ko sa pinto ng kwarto ko natuwa ako kasi di pa gaanong nasusunog doon kaya lumapit ako doon at binuksan ko yung pinto.

"ALLEN!"

Nakita ko siya.

Nakaupo sa kama.

Halatang kakatapos niya lang umiyak.

Gulat na gulat siya ng makita niya ako. Bumuhos na ng sobra yung luha ko kasi alam ko na buhay parin siya.

Tumayo siya bigla.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya habang papalapit sa akin.

"Tinatanong pa ba yan?" naiinis ako pero mas natutuwa ako kasi nakita ko siya.

Tumakbo ako bigla papalapit sa kama at hinila ito.

"Anong ginagawa mo Jessy nababaliw ka na ba umalis ka na dito!" sigaw niya sa akin.

"Oo baliw na ako pero ayoko namang maging tanga pag hindi kita nailabas dit ! Tulungan mo ako, ilabas natin tong kama" sigaw ko sa kanya

"Hindi natin kaya yan! Umalis kana" pinipigilan niya ako pero tumutulong siya.

The Guy Inside Of My Bed (The Monster Inside Of My Bed Part II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon