Deja vu

19.7K 692 92
                                    

Start of Season 2 of Part II






After 3 years.



Alexis' POV

"Allen let's go" I said.

Pagsilip ko ng kwarto ni Allen nakita kong kakatapos niya lang maligo, naka pants na siya, kinuha niya yung polo at coat niya na nakasabit sa may cabinet.

"Coming" sagot niya.

Nang makita ko siyang walang pang itaas agad akong umiwas at lumabas ng kwarto niya.

Oh shiz !

"Sige wait kita sa ibaba" natatarantang sabi ko.

"Okay" sigaw niya nung pababa na ako ng hagdanan.

Ilang sandali bumaba na siya.

"Please help me with this" sabi niya habang inaayos ang necktie niya.

Lumapit ako sa kanya at ako ang nagtuloy ng pag necktie sa kanya.

Ang dating Allen na nakabagsak, messy at medyo humaharang sa mga mata niya na buhok ngayon ay mas maikli na at nakataas na. Naka salamin na din siya sa mata at laging naka formal attire di tulad ng dati.

Tipid na siya kung ngumiti ngayon, mas palaging seryoso at minsan na lang makipag halubilo sa iba dahil sinusubsob niya lagi ang sarili niya sa trabaho.

"Let's go Alexis" sabi niya habang isinasara ang butones sa magkabilang wrist niya.

Tumango ako at naglakad na kami papunta sa kotse niya. Pagsakay naming dalawa siya yung nag drive.

"Sorry you've wait, late na kasi ako nakatulog kagabi" sabi niya kaya nilingon ko siya.

"Okay lang" sagot ko tapos tumingin na sa daan.

Ngayon papunta na kami sa isang event, isang science invention exhibit kung saan maraming batang gustong maging future scientist from different schools at iprepresent nila ngayon yung kanya-kanya nilang mga inventions sa isang contest. Nainvite kami ni Allen bilang isa sa mga judges.

After event.

"Mr. Ford and Ms. Canyes thank you for coming to our event" sabi sa amin nung sponsor nung event.

"Our privillage Mr. Chon" sabi ni Allen at nakipag kamay.

"Thank you din po sa pag invite" sabi ko at nakipag kamay.

"It is nice na pareho pa kayong dalawang magboyfriend ng career kaya di kayo nahihirapan sa schedule ng isa't-isa" sabi ni Mr. Chon.

Nagulat ako at namula sa sinabi niya, wala akong nagawa kundi ang yumuko na lang.

"She's my friend Mr. Chon" nakangiting sagot ni Allen.

"Really ? Oh sorry I thought -- cause you both are looking good together" sabi ni Mr. Chon.

"Friends lang po kami" sabi ko at ngumiti.

Pagsakay namin ulit ng kotse ni Allen, pina andar na niya iyon pabalik sa condong tinitirhan namin.

"I apologize for what happen earlier" sabi niya habang nagdadrive.

"Wala yun" sabi ko at biglang namula ang pisngi ko sa hiya kaya tumingin na lang ako sa daan.

Pagpasok namin ng condo unit, pumasok na kami sa kanya-kanyang kwarto namin. Paglabas ko nasa sala siya at bihis na din siya ng pang bahay, nakaharap siya ngayon sa laptop niya.

Hanggang dito nagtatrabaho parin siya.

"Coffee ?" tanong ko.

"Yes please" sagot niya nang tumingin sa akin.

The Guy Inside Of My Bed (The Monster Inside Of My Bed Part II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon