Time Machine 2 of 2

25.4K 941 221
                                    

Jessy's POV

"Hoy Jessy ! Jessy !" bigla akong napamulat dahil sa boses na tumatawag sa akin.

Pagtingin ko si Monggi, inuuga-uga niya ako. Bigla akong bumalik sa katinuan ko at tumingin sa paligid ko, nasaan ako ? bakit ako nandito ? at bakit bumata si Monggi ?

Pagtingin ko nasa eroplano ako at katabi ko si Monggi samantalang katabi naman niya si mom, buhay si mom ?

"Nasaan ako ?" nagtatakang tanong ko.

"Baliw ka ba ? Nasa eroplano tayo malamang, tara na bababa na kung ayaw mo maiwan ka" sabi niya tapos naglakad siya paalis.

"Jessy tara na" sabi ni mom na may bitbit na maleta.

Bigla akong napatayo at agad kong niyakap si mom.

"Why ?" nagtatakang tanong niya.

"Nothing I'm just miss you" naiiyak na sabi ko.

Tapos tumingin naman ako kay Monggi at niyakap din siya.

"Ew Jess ! Epekto ba yan ng jetlag ?" tanong niya pero ngumiti lang ako at ginulo ang buhok niya tapos mukha namang nagtaka sila.

Kung ganun buhay pa din ngayon si dad kagaya ni mom. I smiled.

Tumingin akong muli sa paligid ko at sa sarili ko, naaalala ko ang araw na ito. Ito yung araw na umuwi kami galing States para permanente ng tumira dito sa Pilipinas.

Tinignan ko ang phone ko, nagulat ako ng makita ko yung taon eksaktong-eksakto. Tumingin ako sa salamin ng eroplano at nakita ko ang sarili ko, napahawak ako sa mukha ko.

"Shit !"

I look like a 18 years old.

Naguguluhan akong naglalakad-lakad at nakatingin sa paligid, kinuha ko ang mga bagahe ko at naglakad papalabas ng eroplano. Parang nangyari na ito dati.

Deja vuu ?

Lahat ng to nangyari na noon. Bakit ako nandito ? Bakit ako bumalik sa ganitong hitsura ko noon ? Lahat kapareho, pati suot ko ganun na ganun.

Napakagat ako ng labi ko.

Nasaan na yung mga nangyari noon ? Di ba iyon totoo ? Panaginip lang ba iyon ?

Bigla akong napaluha, hindi pwedeng maging isang panaginip lang yun, kahit napakasakit ng mga nangyari noon kahit kailan di ko nanaisin na mawala ang lahat ng iyon.

Pero panaginip lang ba talaga ?

Di ba totoo na nangyari iyon lahat ?

Nasaan na yung lalaking yun.

Panaginip ko lang ba din siya ?

Totoo ba o isang panaginip lang si Allen ?

"Hoy ate anong iniemote-emote mo dyan tara na" naiinis na sabi ni Monggi.

Tumingin ako sa kanila at sumunod habang patuloy lang sa pag-agos yung luha ko.

Ayokong maging isang panaginip lang ang lahat ng iyon, dahil kung isang panaginip lang ang lahat ng iyon bakit ako nasasaktan ng ganito ? Bakit ganito ang nararamdaman ko ? Lahat ng alaala yun pakiramdam ko totoong nangyari lahat yun e.

Napapikit ako ng biglang mayroon akong naalala.

"Will you promise me that after all of this you will come back to the place where we first time see each other ?"

Sinabi niya iyon sa akin noon, nakangiti pa siya noon nung sinasabi niya yun habang nakatingin sa mga mata ko.

"Mauuna na ako mom" sabi ko sabay iwan ng mga gamit ko sa kanila tapos tumakbo na ako paalis.

The Guy Inside Of My Bed (The Monster Inside Of My Bed Part II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon