Caught

29.9K 1.2K 104
                                    

Jessy's POV

Hindi ko na gusto yung bilis ng pintig ng puso ko kaya tumayo na ako.

"Kaya mo na ?" tanong ni Allen.

"Yup kaya ko na" pumunta ako sa may salamin kumuha ng suklay at tinali ko na parang bun yung buhok ko tapos bigla na lang may nagdoorbell.

Bumaba ako ng hagdanan tapos pagbukas ko ng pinto tumambad sa akin si Brix ?!

"Anong ginagawa mo dito ?" gulat na sabi ko.

"Good morning Jes !" tapos bigla na lang siyang tumuloy sa loob ng bahay.

"Di ka kasi pumasok kahapon kaya nag worried ako" sabi niya.

"Paano mo nalaman yung bahay ko ?" tanong ko.

"Tinanong ko"

"Kanino ?"

"Ay hindi ko pala tinanong, binasa ko doon sa records mo sa school office" tapos tumawa siya.

"Nahirapan pa nga ako eh ! ang tagal kasi umalis nung taga bantay" sabi niya habang nakahawak sa batok niya.

Bigla siyang pumunta sa may kitchen at inilapag ang mga dala niya, binuksan niya yung ref at inilagay yung mga dala niya kaya sinundan ko siya.

"Ano yan ?" tanong ko.

"Obviously.. foods !" tapos ngumiti siya.

"Tara kain tayo bumili rin ako sa may fast food" tapos bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang noo ko.

"May sinat ka na lang, mabuti yan" sabi niya habang nakatingin sa akin.

Pinaupo niya ako habang piniprepare niya yung dala niyang pagkain.

"Nasaan sila ?"

"Sinong sila ?"

"Family mo ?"

"Ako lang mag-isa dito"

"What ? Mag-isa ka lang nung nagkasakit ka ?" di makapaniwalang sabi niya.

Actually hindi naman talaga ako naging mag-isa dahil nandyan si Allen.

"Kaya ko naman" tapos ngumiti ako.

"Ganun ba ? Sige kain kana" sabi niya tapos umupo siya sa harap ko.

Matapos kong kumain tumayo na ako.

"Wait lang mag babanyo lang ako" nasa banyo na ako ng biglang may kumalabog.

BUUUUGSSSS !!

Naalala ko bigla si Allen.

Oh No ! Si Brix.

Paglabas ko ng banyo paakyat na si Brix ng hagdanan.

"No wait !" pigil ko sa kanya.

"Kasi may biglang kumalabog sa taas" sabi niya.

"Okay lang yun, maybe gamit ko lang yun na nahulog" sagot kk.

"Edi icheck natin"

"No ! Makalat kasi doon at ayokong makita mo" pigil ko habang nakahawak sa braso niya.

"Linisin ko ?"

"No ! Ako na lang mamaya"

"Hm.. okay" tapos bumaba na siya ng hagdanan kaya nakahinga na ako ng maluwag.

"Nag ditch ka ng class ?" tanong ko.

"Oo kasi di ka pumasok kahapon" nakangiting sabi niya

Triple Kill !

The Guy Inside Of My Bed (The Monster Inside Of My Bed Part II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon