The Real Me

23.8K 973 57
                                    

Allen's POV

Kilala ko na kung sino talaga ako.

Nag-iisang anak ako nila Lorde King-Ford at Samantha Resser-Ford.

Si papa miyembro siya ng mafia na hindi alam ni mama. Ako ang unang naka alam noon dahil nahuli ko si papa.

Estudyante ako at kasama ang mga kaibigan at kaklase ko na sina Alexander Velmore at Faustine Lebmoune napagkasunduan naming gumawa ng time machine. At yun yung makinang nakita ni Jessy kanina sa tagong lugar na iyon.

Nagpagawa kami ng underground place sa may bodega, ayun yung tinutukoy ni mama na paboritong kong lugar, ang alam lang nila tinatambayan lang naming tatlo yun pero ang hindi nila alam doon namin ginagawa ang time machine.

Una katuwaan lang ang paggawa sa time machine pero hindi namin akalaing magagawa namin ito. Sumumpa kaming tatlo sa isa't-isa na wala ni sino mang makakaalam nito maliban sa aming tatlo pero si Alexander ay nagtraydor sa amin.

Flashback.

"Wooh! Tagumpay para sa atin!" sigaw ni Faustine na hindi matago ang pagkatuwa niya.

"Sabi na e kaya natin" sabi naman ni Alexander.

"Pero di pa natin talaga nasisiguro kung talagang gumagana yan dahil hindi pa natin nasusubukan" sabi ko.

Hanggang sa napansin na lang namin ni Faustine na mga ilang araw may kahina-hinala na kay Alexander. Kaya noong minsan ay nagpaalam siyang may pupuntahan ay sinundan namin siya.

Sa isang madilim at tagong lugar doon siya pumunta, maraming mga tao at bantay na kahina-hinala rin kaya nag-ingat kaming dalawa na huwag kaming makita.

Nakatayo si Alexander sa harap ng sampung lalaking mas matatanda sa amin. Lahat sila masasabi kong mga mayayaman dahil sa mga kasuotan nila.

"Kamusta naman ang time machine" sabi nung isang lalaking kaharap niya na may bastong hawak-hawak.

Pereho kaming nagulat ni Faustine, bakit alam nila ang tungkol sa time machine? Nagtatraydor ka ba sa amin Alexander?

Nabigyan ng sagot ang mga tanong ko ng bigla na lang siyang ngumiti at nagsalita.

"Tapos na"

"Kailan mo namang balak ibigay sa amin iyon? Handa kaming magbayad ng kahit na magkano" sabi ulit nung lalaki habang may ngiti sa mga labi niya.

"Malapit na" matipid na sagot ni Alexander na nakangiti din.

Ilang sandali may dumating na lalaki, unti-unti kong nakikita ang mukha niya habang papalapit siya sa may ilaw.

Si papa.

Anong ginagawa niya dito? Kilala niya ba ang mga taong ito na kausap ni Alexander?

"Magandang gabi po Mr. Ford" bati ni Alexander kay papa kaya naman tumango si papa.

Matapos naming malaman ang ginawang pagtatraydor ni Alexander sa amin nawalan na kami ng tiwala sa kanya.

"Allen, nalaman ko na kung sino yung mga taong kausap ni Alexander noong gabing iyon" sabi ni Faustine kaya nilingon ko siya.

"Mga mafia sila" dugtong niya.

Doon ko nalaman na kabilang pala si papa sa mga mafia pero bakit?

Nasa hapagkainan kami noon nina papa at mama habang kumakain ng tahimik. Hindi ko magawang tignan man lang si papa, binabalot ako ng pagkainis. Paano niya nagawang sumali doon? Paano niya nagawang maglihim kay mama dahil sa tingin ko wala talagang kaalam-alam si mama.

The Guy Inside Of My Bed (The Monster Inside Of My Bed Part II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon