Peter Pan's Kiss

31.3K 1.3K 201
                                    

Jessy's POV

Gabi na ng makauwi ako, medyo masakit ang ulo ko at hindi maganda ang pakiramdam ko. Pinagpapawisan ko at ang lamig ng pawis ko tapos giniginaw din ako.

Walang ibang tao sa bahay maliban sa amin ni Allen kasi Christmas break ngayon kaya napag-isipan ni mom na mag Baguio, silang dalawa lang ni Kristoff ang pumunta doon dahil ayokong sumama kahit pinipilit pa ako. Mas gusto kong ako lang dito sa bahay, walang mangsisita at nagagawa ko pa ang gusto ko.

Umakyat ako ng hagdanan at pagbukas ko ng kwarto ko nakita ko na nakaupo si Allen sa study table ko habang nagbabasa ng libro, pagtingin ko History book pala ang binabasa niya.

"Good evening" bati ni Allen sa akin.

"History book ?" nagtatakang sabi ko.

"Eto ba ? Oo gusto ko pa kasing madagdagan yung kaalaman ko" nakangiting sabi niya.

Tumingin ako sa lamesa, may mga librong Science, Geometry, Trigonometry, English, Encyclopedia, Thesaurus at pati Dictionary.

"Wow ! dami niyan ah ?" sabi ko.

"Oo naging pagkakaabalahan ko na ang pagbabasa simula pa noon" sagot niya.

Napahawak na naman ako sa noo ko, nahihilo na rin ako at nanlalabo na ang paningin ko.

Blackout.

Nagising ako na nakakumot na at nakahiga na sa kama ko, paglingon ko andun si Allen sa gilid ko tapos lumingon siya sa akin.

"Gising ka na pala" bati niya.

"Anong ginagawa mo ?" tanong ko.

"Nagsesearch, sabi kasi ni Kristoff malalaman mo yung sagot sa tanong mo dito sa google" sagot niya.

Tumingin ako sa computer, nakita kong sinearch niya kung anong gagawin sa taong may sakit.

"Gusto kong gawin to eh kaso malayo yung kusina tsaka di rin ako maka-alis dito" nakikita ko ang pagka worried niya.

Tumayo ako para pumunta sa kusina.

"Saan ka pupunta ?" tanong ni Allen sa akin.

"Sa kusina kukuha lang ng gamot" sagot ko.

Medyo nahihilo parin ako at ang init ko na, kinuha ko yung medicine box, binuksan ko yung ref para kumuha ng cool fever, tapos nagdala ako ng maraming cup noodles at thermos, para may kainin si Allen pagkatapos nun umakyat na ako sa taas.

Sinalubong ako ni Allen at kinuha ang dala-dala ko, pumunta ako sa kama at nahiga ulit, napapikit ako tapos ewan ko na.

Allen's POV

Inilapag ko ang mga dala-dala niya, pagtingin ko sa kanya nakatulog na lang siya agad. Hinawakan ko ang noo niya at ang taas na ng lagnat niya, natatarantang binalik ko ang tingin ko sa computer para basahin ulit yung naka sulat.

"Thermometer - para malaman yung temperatura ng isang tao" hindi ko alam ang hitsura nito kaya sinearch ko, nakita kong lumabas na ang image nito, may parang babasagin at yung isa digital daw kaya hinanap ko na ito sa mga dinala niya.

Pagbukas ko nung may medicine box na nakasulat, nakita ko agad yung thermometer pero yung digital ata tawag dito. Ibinalik ko ang tingin ko sa binabasa ko.

"Ilagay sa kili-kili ?" tumingin ako kay Jessy at nilapitan siya, tinaas ko yung tshirt niya sa may braso at nilagay ko yung thermometer.

Tut ! Tut ! Tut !

Nagulat akong biglang tumunong ito kaya natatarantang inalis ko ito bigla. Tinignan ko ito at may nakasulat na 39.5 tumingin ulit ako sa computer at nagbasa.

The Guy Inside Of My Bed (The Monster Inside Of My Bed Part II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon