Kristoff's POV
One week pass dinala ako ni Jessy sa puntod nila mom at dad, unang beses kong nakita sila sa ganoong lagay at wala akong nagawa kundi ang umiyak na lang.
Pinuntahan namin yung dati naming bahay pero di kami pumasok kasi ayaw ni Jessy, puro masasaya daw yung mga alaala doon pero mas marami yung mga masasakit at huwag na daw naming balikan.
Nakatira kami ngayon ni Jessy dito sa bahay nung Brix, ang sabi siya yung mapapangasawa ni Ate. Isang beses ko lang siya nakita nung araw na nasunog yung bahay namin ng dahil sa akin, siya yung kasama ni Jessy nung pumunta doon.
At ngayong araw nandito kami sa bahay nila at sinusukatan ako ng susuotin ko sa kasal nila Jessy sa susunod na linggo na gaganapin.
Nasaan na kaya si Allen ? Huli ko siyang nakita noong nag usap sila ni Jess doon malapit sa may hospital, malamang siguradong tapos na sila ni Jessy kasi magpapakasal na si Jessy sa iba.
"Sir straight body po" sabi sa akin nung babaeng nagsusukat sa akin.
"Ate ako naman po aalis daw po kami ni daddy e" narinig kong sabi ng isang babae kaya nilingon ko ito
Nagulat ako ng makita ko yung nakakairitang babae doon sa may hospital -- si Nica. Pareho kaming nagulat ng makita namin ang isa't-isa.
"Anong ginagawa mo dito ?" sabay na sabi naming dalawa.
"Pinsan ko yung ikakasal !" masungit na sagot niya.
"At ate ko naman yung ikakasal !" sabi ko.
"Nica ?" pagtingin namin sa nagsalita yung papakasalan pala ni Jessy na si Brix.
"Kuya ?" sabi ni Nica.
"Doon ka na lang sa isang designer" sabi ni Brix.
"Ahm.. okay" sabi nung Nica tapos inisnaban pa ako bago umalis.
"Okay ka lang dyan Kris ?" tanong sa akin nung Brix.
Di ko siya pinansin at umiwas ng tingin. Ano kami close ? Ngumiti lang siya tapos umalis din.
Pinsan ?
So kung pinsan ni Nica si Brix at pinsan din niya si Allen, kung ganun magpinsan din sila Allen at Brix ? WTF !
Jessy's POV
Coffee shop.
Nakaupo lang ako doon habang nagbabasa ng magazine at hinihintay yung dalawang bitch.
"Hey !" bati ni Katie tapos umupo siya sa tabi ko.
"Coffee shop ? Duh ! Tell me nga if may amnesia ka parin ba ?" sabi ni Steph na umupo sa tapat ko at nag rolled ng eyes.
"Bitch please. Nang maiba naman, ayoko ng maingay ngayon tulad ng club" sabi ko sabay sip ng frappe ko.
"Bitches did you know that live na in 3 years sina Allen at Alexis" sabi ni Steph na nag scro-scrolled ng phone niya.
Ako naman napatigil sa ginagawa ko at tinignan ko siya sa labis na pagkagulat.
"Damn ! Stop talking about them infront of Jess" saway ni Katie.
"Why ? Hobby naman natin na pag-usapan at insultuhin ang mga ex'ses natin ah ?" sabi ni Steph.
"But --" sabi ni Katie pero pinigilan ko siya.
"No it's okay" I said at tinatago ko sa sarili na nasasaktan ako. Ngumiti ako sa kanila "How did you know Steph ? E diba nga si Katie yung ka same condo unit ni Allen ?" I asked and I felt I was drowning.
YOU ARE READING
The Guy Inside Of My Bed (The Monster Inside Of My Bed Part II)
FantasyEven in the second time, time would be always their enemy? How can you fight for it if you already know that at first you both are not should be together? Are you going to surrender or you will take the risk? Because maybe you won't know if it will...