Carried Away

29.2K 1K 90
                                    

Jessy's POV

Patuloy parin ako sa paglakad at pagtakbo na kanina ko pa ginagawa, hindi ko alam kung ilang beses ko ng naikot itong buong divisoria na ito at feeling ko pabalik-balik lang naman ako.

Hanggang sa nakakita ako ng isang shop pero hindi ko mabasa yung sign board nila dahil maraming nakaharang sa glass door nila na mga tao, mga 10 meters away ako doon ng biglang may dumaan na highschool student na babae sa gilid ko na galing doon.

"Wait miss anong shop iyon ?" tanong ko sa highschool student.

"Second hand shop po" sagot niya kaya nanlaki yung mata ko.

"Anong nangyayari doon ?" mabilis na tanong ko sa kanya kaya nahawakan ko na siya sa braso niya.

"Ay doon po ba ? May lalaki po kasi na nagbabantay doon ng kama ng girlfriend niya, ang sweet nga niya po eh" sagot niya tapos binitawan ko na siya.

Lumingon ako ulit sa shop na iyon, ilang sandali nahawi ng konti yung mga tao kaya bigla ko na lang siyang nakita. Nakatayo siya at malungkot.

Mula sa kinakatayuan ko bigla na lang akong tumakbo at sumigaw ng napakalakas.

"AAAAALLLLLEEEEEENNN !"

Patuloy lang ako sa pagtakbo papalapit sa kanya, habang siya naman ay lumingon, nakatulala at nakatingin lang sa akin. Ako naman bigla na lang napaiyak !

Nung malapit na ako bigla akong tumalon sa kanya at kumapit sa leeg niya tapos yumakap ng mahigpit. Naramdaman kong yumakap din siya sa akin.

Hingal na hingal ako at sobrang bilis ng tibok ng puso ko pero ngayon ang saya at kalmado na ako.

At last I found him !

"SUBUKAN MO LANG MAWALA ULIT PAPATAYIN NA TALAGA KITA !" sigaw ko sa kanya habang nakayakap. Bwiset to pinag-alala at pinakaba pa ako ng sobra nakakainis !

Naramdaman kong inilagay niya yung kanang kamay niya sa likod ng ulo ko habang yung kaliwa niyang kamay ay nasa bewang ko parin, hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya at ganun din siya.

Ano to umiiyak ba si Allen ?

Bigla na lang siyang sumuksok sa leeg ko. Teka eh baka ang baho ko na ? Nakakahiya pero oo umiiyak nga siya at nararamdaman ko yung luha niya na tumutulo sa balikat ko.

"Allen" sabi ko, aalis na dapat ako sa pagkakayakap para tignan siya pero hinigpitan niya yung pagkakayakap sa akin.

"Sandali lang muna please Jessy" pabulong na sabi niya.

Ayaw ba niya na makita ko siyang umiiyak ?

Nakinig ako at bumalik na lang sa pagkakayakap sa kanya, nararamdaman kong nagpupunas na siya ng luha niya.

"Okay na" sabi niya tapos binitawan na niya ako mula sa pagkakayakap niya.

Bigla siyang tumingin sa akin tapos parang natatawang ewan at ngumingiti sa akin. Bakit kaya ? Anong sapak naman neto ngayon ?

"Jessy" bulong na sabi niya habang patuloy na nakatingin at nakangiti lang sa akin, ako naman nakatingin lang din sa kanya.

Ang tagal na niyang nakatingin sa akin, parang ang lalim ng iniisip niya pero ramdam ko na okay na siya at okay na rin ako. Nawala na yung kaba, takot at kung ano mang pakshet na naramdaman ko kanina. Parang hindi nga lahat iyon nangyari eh ngayong nasa harap ko na si Allen at uuwi na kami.

"AAAAAAAHHHHHH !"

Napalingon kami ni Allen sa mga nagsisigawang mga tao, parang silang choir sabay pa talaga.

The Guy Inside Of My Bed (The Monster Inside Of My Bed Part II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon